Alex Gonzaga wala nang kagana-ganang mag-host ng ‘Juicy’

MORE than a year ago, when Juicy was definitely a good show and was having a most impressive rating of 6% at its replays in the late evenings, Alex Gonzaga was definitely a fashion plate and very much in the mood and bubbly to participate in the show’s wacky and intimate discussions with Morly Alinio, Rey Pumaloy, IC Mendoza and your Remate tabloid entertainment ed Pete Ampoloquio, Jr.

Lately though, parang wala na siyang kagana-gana at wala nang kabuhay-buhay ang participation niya sa showbiz-oriented program na pinagrereynahan ng mukhang bungal na si Cristinelli Salazar Fermin, da lola of the new millennium. Hakhakhak!

Oo nga’t sumasali naman siya kahit papano pero parang hindi na siya motivated na magsalita nang maayos at nagbabu na rin ang kanyang animated way of talking, along with her contagious laughters that was her stock-in-trade then.

Well, I can’t blame her.

Very depressing nga namang parang pinagwewelgahan kayo ng mga sponsors samantalang nu’ng mga trying hard lang daw ang kasama niya ay umaatikabo ang rating at nag-aagawan ang mga ad placements.

Why is that so? Hindi ba’t reyna ang bungalyang si Crusty Fermin? Bakit walang nagtitiwalang ad men sa kanya?

Hahahahahahahahaha!

Pa’no naman kasi, bukod sa di kaaya-aya ang itzu at lolang-lola na ang arrive, (hitsura ng nagnganganga…Hakhakhak!) inaamag pa ang mga balita at ang iba’y kuryente pa ever. Hakhakhak!

Ibalita ba namang napraning daw si Brandy Ayala (the former Seiko sexy star of the mid-80s) at nananakit ng mga batang nanunukso sa kanya.

Lumang balita na ‘yun at naging news na ‘yun sa TV Patrol at Rated K sometime last year pa. Hahahahahahahaha!

Kawawa naman ‘tong si Ferminata, inaamag nang talaga ang mga balita.

Aba’y tinulungan na ‘yang ipagamot ng ABS-CBN kaya bumuti-buti na ang kalagayan tapos ganon ang ibabalita niya?

Pakidampot nga ng kredibilad sa sahig. Hakhakhakhakhak!

Nakahihiyaaaaa! Hahahahahahahaha!

Butata, di ba naman?

Going back to Alex Gonzaga, di na rin siya nag-aayos lately sa walang kasabor-sabor nilang show na parang nawalan na ng buhay magmula nang si Ngangang Ferminata na ang umupo at magreyna. Hahahahahahaha!

Minsan nga raw say ng amiga naming si Peter Ledesma na paminsan-minsa’y sinisilip ang walang kabuhay-buhay nilang show, parang nagpulbos na lang si Alex at ni hindi nag-make-up samantalang very particular siya before with her looks nu’ng time na magkakasama pa kami.

Kumbaga, made-up to perfection and dressed up to the nines ang drama niya.

Well, can’t blame her. Pa’no ka nga namang gaganahan kung alam mong wala nang nanonood sa show n’yo kundi mga aso’t pusa? Hakhakhakhakhak!

‘Yun na!

***

Wala raw gana si Toni G na pag-usapan si Mariel Rodriguez

UNFAIR naman kay Toni Gonzaga ang presumption ng ibang writers na ito raw ang dahilan kung bakit nagbabu na sa ABS-CBN ang friend niyang si Mariel Rodriguez.

Knowing Toni, she just wouldn’t want to complicate matters anymore since she kows Mariel has her own reasons for leaving the network and she can’t do anything about it.

So, why rock the boat further by issuing some statements that would only prove to be futile?

Mariel decided to leave ABS-CBN since the network purportedly did not acquiesce to her request of co-hosting “Pinoy Big Brother” for the simple reasons that they have plans of their own.

Kasalanan ba ‘yun ni Toni?

Ganon na ba siya ka-powerful para pakinggan ng ABS-CBN?

Mga talent lang sila and at the end of the day, ang network din ang masusunod at hindi sila.

Ganon lang ‘yun kasimple.

Kaya naman ayaw na lang magsalita ni Toni ay dahil sa ayaw na lang niyang malagay sa mga sitwasyong alanganin at alam naman niyang beyond her powers ang mga kaganapan.

She feels for Mariel. They’ve been friends for far too long.

‘Yun nga lang, wala naman sa kanya ang karapatang magdesisyon dahil di naman siya isang executive roon kundi isa ring talent.

“Yun lang!

***

Drew Arellano tahimik pero solid ang career

DREW Arellano, that hunky but intelligent talent of GMA-7 is a man of few words.

Ang totoo niyan, matagal na silang mag-on ng ABS-CBN talent na si Iya Villania pero smooth-sailing talaga ang kanilang relasyon and devoid of the usual complications that most relationships in show business have.

Tahimik kasing tao si Drew, a man of few words, so to speak, kaya maayos at tahimik ang relasyon nila ni Iya.

Anyway, the guy is your reliable travel companion with his show “Weekend Getway” on GMA News TV 11.

He’s also regularly seen on the early morning show “Unang Hirit.”

Drew, incidentally, is a much sought after host in corporate shows.

His latest endorsement happens to be the enegy drink Milo.

***

Dating hot na hubadera gusto ng maging ina wala namang magetlag na papa

HOW unfortunate naman for this not-so-young hubadera who is now dying to have a family of her own. Ang kaso, mukhang wala naman siyang makuhang deserving na papa.

Sa totoo, feeling niya, handang-handa na siyang maging ina. The trouble is men in show business are either gay or married, does she have a choice? Hakhakhak!

Nakatatawa nga naman, di ba?

Dati, wala siyang keber sa mga rela-relasyon. Bata pa nga kasi siya noon and men were dying to lure her in bed.

Hakhakhak!

Pero ngayon, mukhang kokonti na lang ang mga interesado.

The young men want to extort money from her and the DOMs, on the other hand, would simply like to have a grand time in bed.

Mahirap talagang maghanap kay Mr. Right especially so when you’re no longer young. Ang nakatatawa, ‘yung isang character actor na matagal niyang nakarelasyon ay iba na raw ang drama sa buhay. Hahahahaha!

True bang isa na siyang darnita?

Hahahahahahahahahaha!

Ang buhay showbiz talaga. Nakakalowkah! Hahahahahaha!

***

Unmatched Queenstar Vi

QUEENSTAR for all seasons Ms. Vilma Santos is definitely a rarity not only in the field of show business but particularly so in the world of politics.

For someone who started out as an actress when she was only a young kid by way of the movie “Trudis Liit,” her metamorphosis is truly astounding.

For one, she is not only a multi-awarded actress and an unmatched super actress, she, too, has successfully diversified into the equally competitive and equally intriguing world of politics.

But Ate Vi did not plunge headlong into politics without taking up some crash course in politics, public administration and other related areas.

A real pro in any field she’d like to become an integral part of, Queenstar Vi is admittedly one of the most accomplished actress/politician in the country today.

But in spite of all the herculean success, one thing remarkable about Ate Vi is her becoming levelheadedness.

She’s still within everybody’s reach and a joy to talk to.

No erratic airs, no disturbing delusions. Just truckloads of enery and a personality that makes you smile when you think about her.

I love you, Ate Vi. You deserve to be where you are now – the idol of millions and the hope of so many poor people as well.

***

Superfab ang bagong show ng Studio 23

IBANG klase ang bagong show ni Simon Cowell sa Studio 23 titled “X Factor.”

Kasama niya rito ang dating kasama niya sa “American Idol” na si Paula Abdul.

May bago silang kasama ritong talent manager sa Hollywood na si L.A. Reid at talaga namang he’s a character too just like his counterpart at American Idol na si Randy Jackson.

Anyway, napaiyak kami nang makapasa sa audition ang isang 40 year-old mom of two kids na in her 30s ay nag-akalang passe’ na siya at wala nang pag-asang magka-career pa.

But she did audition and impressed the judges enormously.

For five million dollars, marami siyempre ang na-o-audition. May mga aning-aning, may mga nerd pero marami ang may talent tulad nu’ng isang all-male group na na-impress pati sina Paula at Simon at ibang klase rin ang arrive nu’ng isang dating drug addict na sumali sa show and impressed the judges inordinately.

Do watch for it every Thursdays and Fridays at Studio 23, Kabarkada Mo, 6 to 8 in the evening.

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply