Aljur Abrenica papasok na sa ‘Amaya’ bilang leading man ni Marian Rivera

SUPER sweet sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa Fans Day cum album promo tour sa Trinoma Activity Center last Friday afternoon.

Bale pumunta lang si Kylie para sumuporta kay sa aktor pero nagpaunlak din itong umawit ng dalawang song. Yung huli’y nagpakilig sa fans ng dalawa dahil inawit nila ng punung-puno nang damdamin ang “Please Be Careful with My Heart.”

Alam ba ninyo na sinabi ni Aljur sa amin na dumalaw na siya sa bahay ni Kylie kapag nagti-training sila roon ng pagkanta o martial arts?

Kasi magkakasama na sila sa movie na “Mr. Wong.” Maluwag naman si Aljur na makalabas na kasama si Kylie basta kasama ang kanyang yaya at driver. Kaya okay na sila ni Robin Padilla, ang ama ni Kylie.

Nang tanungin ng fans si Kylie kung ano ang pinagusto niyang parte ng katawan ni Aljur, nasabi ni Kylie na ang mga mata raw ng actor.

Gusto rin niyang kumakanta si Aljur. Kumakanta rin kasi si Kylie.

Hindi nga mapaghiwalay ang dalawa, kung nasaan ang isa, andun din ang isa. Tulad nang rumampa si Aljur sa Cosmo Top 10 Single men sa World Trade Center noong September 15, andoon rin si Kylie.

Ani Kylie: “Andoon ako kay Aljur para sumuporta sa kanya. Pang opening number si Aljur, hindi naman siya kasama sa Top 10 Single men. Bale guest lang siya.”

Nang tanungin namin si Aljur, nasabi ng hunk actor na pinapunta lang siya ng Century Tuna Hotdog para mag-represent ng company. Hindi siya kasama sa Top 10 Single.

Ani Aljur: “Hindi naman daring ang ginawa kong pagrampa. Simple lang pero topless ako.”

Samantala, sa ginawa ni Aljur sa pagrampa, ikinagulat na agad ni Kylie ang pagpapakita nito ng abs. Nakita rin niya sa affair kung gaano ito hinahangaan ng fans, lalo na ng mga kababaihan at bading.

Pero, mas na-shock na si Kylie nang nakita niyang maghubad na ang top 10, talagang hindi na rin niya maidilat ang kanyang mga mata. First time siyang pumunta sa ganitong affair.

Sa mga susunod na araw ay magkakasama na sina Aljur at Kylie dahil may gagawing movie sina Aljur at Kylie kasama nila ang ama niyang si Robin Padilla. Ang movie ay Mr. Wong na co-produce ni Robin ang Regal Films.

Nakapag-story conference na ang movie. Ngayong December na ang showing nito. Hindi lang masabi kung isasama pa sa Metro Manila Film Festival. Bale tampok ang tambalang Kylie at Aljur sa movie. Kukunan mostly ang shooting sa Binondo area ng Maynila.

Bukod pa rito, definite nang si Aljur ang pang-Valentine’s Day offering ng GMA Films. Wala pang title ang movie pero kasama niya sina Rhian Ramos at Bella Padil- la. Isang romantic movie ito na kikiligin ang mga fans.

Dahil sa gagawing movie ni Aljur na kasama si Kylie sa Mr. Wong, hindi na siya makakasama sa movie nina Cesar Montano at Sam Pinto.

Bukod sa movie, papasok na rin sa Aljur sa “Amaya.” Anytime this week ay papasok na siya bilang bagong character sa soap.

Ani Aljur: “Makakasama ako sa soap na Amaya bilang bagong partner ni Marian (Rivera). Excited ako rito dahil si Marian ang partner ko. Alam mo naman kapag Marian ang project ay laging patok.”

Dahil daw sa Amaya, hindi na rin siya makakasama sa “Panday” movie ni Sen. Bong Revilla.

May naka-schedule ding concert si Aljur sa abroad. Dadalhin siya ng Pinoy TV sa Japan ngayong Sept. 23-25. Tapos sa Oct 28 ay nasa Los Angeles at Oct 29 sa San Francisco ang batang aktor.

Malapit na ring i-release ang third album ni Aljur na produced at release ng GMA Records. Kasama rito ang revival song na kapag inaawit ni Aljur ay tinitilian siya, ang Hindi Ko Kaya, na dating hit song ni Richard Reyneso.

000

Ellen Adarna nabiktima ng dikya sa Cebu

HINDI malilimutan ni Ellen Adarna ang huling bakasyon niya sa Cebu. Alam ba ninyo na nabiktima siya ng salabay sa dagat. Kinati nang husto ang kanyang makinis na legs. Kumalat pa ito sa kanyang maputing katawan. Namula ito nang husto. Resulta: Hindi siya nakapag-report sa taping ng “Bubble Gang.”

Kaya last Friday ay hindi natin nakita ang kaseksihan ni Ellen sa gag show. Member ng Bubblets si Ellen, kasama niya sina Jackie Rice, Gwen Zamora at Sam Pinto.

Matagal ding naka-recover ng balat ni Ellen sa kati ng salabay. Kinailangan pa niyang magpunta sa dermatology.

000

TOTOO palang hindi mapaghilay ngayon sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Mukha raw nagkaka-develop-an na ang dalawa ngayon. Madalas nang kasama dahil mag-love team na silang dalawa.

Nagsimula ito sa “Tween Hearts,” tapos naman ngayon ay sa “Munting Heredera.” Pero malapit na silang matapos sa primetime soap. Ililipat na sila sa afternoon soap bilang bidang love team sa “Ikaw Lang Mamahalin.”

Challenging kay Joyce ang role dahil magkaribal lagi sila sa soap ni Barbie Forteza. Remake ito ng dating soap ng GMA-7 noon na pinagbidahan nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz.

Si Barbie ay si Angelika at si Sunshine naman si Joyce.

Ngayong Sunday sa Tween Hearts, panibong yugto ng pakikipagsapalaran ng mga kabataan ang tatalakayin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply