Alonso, Schumacher –nakaiskor sa Monza GP

MONZA, ITALY — Naka-iskor ang Ferrari driver na si Fernando Alonso sa nakaraang F1 race noong Linggo, Setyembre 11. Nasungkit ni Alonso ang ikatlong pwesto at dahil rito ay umusad siya sa ikalawang posisyon sa world standing. Nagsimula si Alonso bilang pang-apat sa grid; bagamat siya ang nanguna sa turn one matapos niyang lagpasan sina Hamilton Button at Vettel. Madali namang nakahanap si Vettel ng butas upang masingitan si Alonso at hindi na nito binitiwan ang kanyang lead sa buong karera.

Samantala, nagkaroon naman ng maliit na komosyon sa mga nahuhuli matapos mawalan ng kontrol si Tonio Liuzzi sa kanyang race car. Nag-crash si Liuzzi sa gilid ng race track at ng maka-recover na ito, nabangga naman niya ang mga sasakyan nila Vitaly Petrov at Nico Roseberg.

Naaksidente rin ang sasakyan ng teammate ni Vettel na si Webber matapos nitong makabangga ang Ferrari ni Felipe Massa. Nawasak ang front wing ng sasakyan ni Webber at maya-maya lang ay itinigil na nito ang karera, dahil na rin sa “terminal understeer” na kung saan napupwersa ang race car.

Ang huling European GP para sa taong ito ay tila nagsilbi ring sagot ni Schumacher sa mga nagsasabing dapat na siyang bumalik sa pag-retiro sa pangangarera.  Naunahan man siya ni Hamilton, na tinapos ang karera sa ikaapat na pwesto, pasok pa rin sa top 5 ang 7-time world champion German driver.

Habang nagigitgitan sina Schumacher at Hamilton, sinunggaban naman ni Button ang pagkakataon upang humanap ng malulusutan. Sinabayan niya ang dalawa at makalipas ang ilang segundo, ay humabol na ito kay Vettel sa finish line.

Sa kasalukuyan, ay mukhang itinaga na sa bato ni Vettel ang kanyang pangalan bilang 2011 Formula One World Champion. Ang kapalaran naman ng iba pang drivers ay madudugtungan sa susunod na Linggo, ika-25 ng Setyembre sa Singapore GP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply