Alta handa nang dipensahan ang korona

WALA ng makapipigil sa pagdedepensa ng Philippine super welterweight champion na si Marlon “Marex” Alta ng General Santos City sa kanyang first title defense kontra kay Dondon “Celson” Lapuz ng Cagayan de Oro bukas, (Sabado, Setyembre 17) sa Elorde Sports Complex.

Tinampukang “Upakan sa Elorde,” ang Alta at Lapuz ay main event na inorganisa ng Elorde International Productions sa pakikipagtulungan ng Macky Castro at North Star Sports.

Tatangkain ni national champion at heavy-hitting Alta ng 5th consecutive victory.

Ang kanyang magandang tagumpay ay ang 2nd round technical knockout triumph kontra kay Japanese fighter Naozumi Tsuchiyama noong Agosto 2010 sa Cebu.

Si Alta ay kabilang sa top 3 Filipino super welterweights, kasama sina Cebu’s Jimrex Jaca (34-6-3, 19 KOs) at Bacolod’s “Mighty” Mark Melligen (21-3, 14 KOs).

Sa panig ni veteran Lapuz ay galing sa unanimous victory kontra kay Elmer Colve nitong Hulyo.

Ito ang 50th professional fight ni Lapuz.

Nakopo rin ni Alta ang vacant Philippine Junior Middleweight title matapos talunin si Fontines nitong Hunyo 18 sa Elorde Sports Center sa Paranaque City.

Ang nasabing laban ay suportado rin ng Petron Diesel Max, San Miguel Pale Pilsen at ATC Wellness Corp. – manufacturer ng Robust (a dietary supplement for men).

Samantala, isa pang International Championship bout ang naka-schedule sa pagitan nina Japanese WBC No. 17 Bantamweight Contender Hiroki Shiino at Philippine WBC No. 20 Bantamweight Contender Dado Cabintoy sa Okt. 22 para sa 12-rounder fight.

Ang laban ay para sa vacant WBC International Bantamweight Championship.

Si Hiroki Shiino, 25, national team boxer ay tangan ang 5 K.O’s, 1 lost and 1 draw habang si Cabintoy, 22 ay may record na 14 fights: 1 loss, 2 draws, 11 wins, at 8 K.O’s.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply