Altas kampeon sa beach volleyball

HINDI makapalag ang Perpetual Help Altas sa basketball kaya naman bumawi sila sa beach volleyball.

Nabanaag ang saya sa mga mukha ng host University of Perpetual Help System Dalta officials matapos silang manalo sa women’s division at pumangalawa sa men’s at juniors divison sa pagtatapos ng 87th NCAA beach volley sa La Salle Greenhills sand court.

Nagtambal sila Altas spikers Norie Jane Diaz at April Anne Sartin upang hatawin ang ikatlong sunod na women’s title.

Pinayuko ng Altas volleybelles sina Gena Keeshia Andaya at Marinelle Jane Carolino ng Letran sa tatlong sets, 21-18, 18-21, 15-12.

Sa third set nakauna agad ang Lady Knights ng 5-0 subalit nagpakatatag sina Diaz at Sartin upang habulin ang iskor at ibulsa ang titulo.

“We’re happy and proud with our accomplishment,” sabi ni NCAA League President at Policy Board chairman Anthony Tamayo.

Umabot din sa third set ang laro sa juniors ngunit kinapos sina Kin Harold Dayadante, Jherald Martinez at Chris Soriano kina Jopet Movido, Jerrus Moya at Denzen Rasing ng Emilio Aguinaldo tungo sa 21-19, 15-21, 10-15 kabiguan at kumawala ang hangad sanang ikalawang sunod na titulo.

Sina Jaybe dela Cruz, Marcelo Joaquin at Sandy Domenick Montero ay nabigo naman sa Arellano na binuo nina Jophius Christian Banang, John Carlo Lozada at Chris Salvador, 13-21, 18-21.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply