Ambuklao, Binga dam nagpakawala ng tubig

Nagpakawala ng tubig ang Ambuklao at Binga Dam sa Benguet bunsod ng mga pag-ulan dala ng hanging Habagat.

Ayon sa panayam sa dzMM kay Danny Flores, hydrologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dalawang gate ng Ambuklao Dam ang nakabukas ngayon at isang metro na ng tubig ang napapakawalan dahil malapit na ito sa spilling level na 752 meters.

Tatlong gate naman ng Binga Dam ang nakabukas at 2.5 meters na tubig na ang pinapakawalan dahil malapit na rin itong umabot sa spilling level na 575 meters.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply