UPDATE: Ambuklao dam, Binga dam patuloy sa pagbabawas ng tubig

PATULOY ang pagpapakawala ngayong hapon (Biyernes, Setyembre 2) ng tubig ang Ambuklao dam at Binga dam sa Benguet dahil sa pagtaas ng level ng tubig dito bunga ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Mina.

Ayon kay Danny Flores, hydrologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), dalawang gate ang nakabukas ngayon sa Ambuklao dam at isang metro ng tubig ang pinapakawalan nito.

Malapit na sa spilling level ang tubig sa Ambuklao dam na umabot na sa 752 meters above sea level.

Tatlong gate naman ang nakabukas ngayon sa Binga dam at aabot sa 2.5 meters na tubig ang pinakakawalan nito dahil sa malapit na ring umabot sa spilling level na nasa 575 meters above sea level.

Ayon kay Flores, nanatili naman sa 80.08 meters ang water level sa La Mesa dam sa Quezon City at bahagyang lumayo na ito sa overflow level na 80.15 meters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply