Anak ng aktor nahulihan ng marijuana

MALAMANG na maharap sa kasong transporting of illegal drugs ang anak ng dating actor na si Jun Aristorenas makaraang mahulihan ng isang pakete ng marijuana sa Paranaque City

Ang suspek na kinilalang si Reynard Aristorenas ay nakatakda ngayong isasalang sa drug test at sakaling mapatunayan, mahaharap sa kasong transporting of illegal drugs na walang irerekomendang piyansa.

Batay sa ulat, una rito, hinarang ng mga pulis sa check-point ang sinasakyang motorsiklo nina Arestorenas dahil wala silang suot na helmet bandang alas-10:00 kagabi, Setyembre 12.

Nang rekisahin ang suspek, nadiskubre ng “Oplan Sita” ang bitbit na marijuana ni Arestorenas at isa pang kasama.

Iginiit naman ni Arestorenas, wala siyang dalang droga at nadamay lamang siya sa insidente at nakikiangkas lamang siya sa motorsiklo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply