16-anyos na anak ng brodkaster dinukot

WALONG oras ikinulong sa isang bodega ang isang 16-anyos na babae na anak ng isang brodkaster sa Puerto Princesa, Palawan matapos itong sapilitang dukutin ng ‘di pa nakikilalang mga suspek.

Dinukot ang biktima dakong alas-10:00 ng umaga sa isang kantina malapit sa kanyang pinapasukang Palawan State University kung saan nag-aaral ito ng kursong HRM.

Sakay ng isang itim na van dakong alas-7:00 ng gabi ay ibinaba ng mga suspek ang biktima sa harapan ng Palawan National High School.

Pinaiimbestigahan na ni DILG Sec. Jesse Robredo ang kaganapan at inutusan niya ang Palawan PNP na hanapin ang mga dumukot sa biktima maging ang van na ginamit sa pagdukot upang matunton ang utak at motibo ng krimen.

Nakipag-ugnayan na rin ang brodkaster na si Loiue Larosa sa kalihim upang humingi ng kaukulang proteksyon laban sa mga grupo o personalidad na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang brodkaster na maaaring nasagasaan nito sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang kagawad ng media.

Wala namang tinamong anumang sugat o pinsala sa katawan ang biktima maliban sa pagsuntok sa sikmura at tadyak na tinamo nito ng pumalag ito sa pagdukot sa kanya. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply