Anak ng hard hitting commentator dinukot

DINUKOT ng armadong kalalakihan ang anak na dalagita ng isang hard hitting radio commentator kaninang umaga sa loob mismo ng Palawan State University sa ulat ng pulisya sa Palawan.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr, puwersahang tinangay ang biktima na si Maoie Larroza, 17.

Sa inisyal na report na ipinadala ng PNP Police Regional Office 4B sa Camp Crame, naganap ang pagdukot bandang 10:30 ng umaga sa loob ng Mercel Chaolongan Canteen,  sa loob ng Palawan State University (PSU) na nasa Road, Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa City, Palawan.

Si Larroza ay anak ng radio commentator na si alyas Ka Louie.

Agad namang binuo ng Palawan local government ang kanilang Crisis Management Committee sa pamumuno ng Palawan City mayor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply