UPDATE: Anak ni Sen Guingona ligtas na sa aksidente

LIGTAS na ang anak ni Sen. Teofisto Guingona III na si Pieyte Norman, 18, matapos maaksidente habang binabaybay ang kahabaan ng Katipunan Ave., sa Quezon City nitong madaling araw ng Biyernes, Setyembre 9.

Sa opisyal na pahayag na ipinalabas sa media, sinabi ng nakatatandang Guingona na nagkaroon ng “self accident” ang kanyang anak malapit sa flyover ng Katipunan Ave., dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Ayon kay Guingona na walang nasaktan o nadamay na sibilyan sa aksidente.

“It was unfortunate that it happened. It was a self accident, no civilian was hurt, we’ll keep you updated as to the condition of my son,” ayon kay Guingona.

Base sa ulat ng radyo, naganap ang aksidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa may flyover sa Katipunan Ave., saka isinugod sa Quirino Memorial Medical Center ang anak ng senador matapos magkaroon ng galos sa binti.

Kasalukuyang inoobserbahan ang anak ng senador sa naturang pagamutan habang isinusulat ang balitang ito.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang insidente. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply