Ang mga di nagsusukling konduktor ng Genesis

ANG mga tarantadong konduktor ng Genesis Bus na may mga sakit na kalimot ang gagamutin natin sa pamamagitan ng pagturok ng gamot sa kanilang mga nabubulok na utak.

Ang sakit na tinutukoy ko ay ang hindi na pagbabalik ng mga sukli ng mga tarantadong konduktor ng Genesis sa mga pasahero.

Madalas pag nagbayad ang isang pasahero lalo na’t buo ang kaniyang pera ay aabisuhan ng mga gagong konduktor ang pasahero na pag me barya na lang sila susuklian.

Pero hanggang sa pagbaba na ng pasahero ay tuluyan nang makakalimutan ng konduktor na suklian nila ang mga dapat na suklian. Ang masakit pa nito, pag nakababa na ang pobreng pasahero ay hindi na siya makapagrereklamo dahil sa galing pa siya sa malayong lugar.

Ang isa sa mga konduktor na hindi nagbibigay kaagad ng sukli sa kanyang pasahero ay naka-assign sa Genesis Bus na ang number ay 138.

Isinusulat natin ito hindi upang ipahiya natin kung sinoman ang konduktor na tinutukoy ng text tipster natin na hindi nagbibigay
ng sukli.

Isinusulat natin ito upang bigyan ng babala ang mga tarantadong konduktor na tumigil na sila sa katarantaduhan at hindi na pamarisan ng iba sa pagsasamantala sa mga inosenteng pasahero.

PERYAHAN FRONT NG SUGALAN

Walang katinag-tinag ang puwesto pijo ng peryahan  ni AlingTessie sa R-4.

Wala kasing ipinagmamalaki ang matandang ito kundi ang lakas daw niya sa mga alkalde ng bawat bayan ng Region-4.

Sa San Pablo ay malakas ang peryahan ni Aling Tessie dahil nga may go-signal daw siya ni mayor.

Sa Rizal sa Binangonan naman ay ang peryahan nina Toto at Rey.

Wala silang ipinangangahas kundi si meyor.

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 0926671-9269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply