Ang mga pulisan

TALAGA bang gusto ninyong linisin, PNP chief Heneral Nick Bartolome, ang hanay ng mga pulis?

Kung totohanin ninyo ang programang yan na mariin ninyong binigkas nang tanggapin ninyo ang puwesto bilang bosing ng mga pulis, bigyan ninyo ng puwang ang sumbong ng mga maliliit na karaniwang biktima ng mga pulis na tulisan.

Kaya naman hindi na pulis kundi pulisan ang bansag sa mga iskalawag na bata ninyo.

oOo

Heto heneral ang kinatatakutan ni Juan sa mga pulis.

Sa mga lalawigan na pintuan ng mga kargo trak na pumapasok sa Metro Manila, alam ba ninyong inuubos ng mga pulis ang alawans ng mga drayber at pahinante para sa kanilang krudo at pagkain sa daan?

Kung may pila-pila ang mga trak na ayaw tumakbo dahil may nag-aantay sa unahan na checkpoint kuno ng mga pulis, tiyak na takot ang mga drayber at pahinante na umandar.

Kaya wala sa oras ang biyahe ng mga ito at karaniwang nade-delay ang deliberi ng mga produkto.

Alam ba ninyo ang epekto nito, Heneral?

Maliwanag na sabotahe sa ekonomiya ng repablik ni Juan.

oOo

May sumbong naman sa atin na may mga bilangguang inilalaan sa mga kampo ng pulis para sa mga nahuhuli sa droga.

Puno lagi sa gabi, Suki, ang mga bilangguan.

Pero pagsikat ng araw kinabukasan, wala nang laman ang mga ito.

Hindi ba dapat na masikatan ng araw ang mga pusher at druglord para madala sana sila sa piskalya at masampahan ng kaso?

Pagkatapos nito, nababalitaan na lang ng mga batang media na may itinakbo sa punerarya ang mga pulis na nakipagbarilan sa kanila.

Yung iba, basta pinakawalan lang.

Hapi sina kernel o kapitan o mejor at may patutpik-tutpik pa sa masarap nilang tsibog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply