Ang pera’y di bigas ng NFA

WALANG naglalakad patungo sa tuwid na daan.

Madalang ang mga sasakyan na pumapasada at naglalakbay sa butas-butas na mga lansangan na hinagupit ng malalakas na bagyo, buhos ng ulan at mga pagbaha.

Ang mga tao ay nakatanghod, nakahanay sa rampa ng kalsada at pinagmamasdan ang mabagal na paglakad ng prusisyon na ikinakabit sa administrasyon ni PNoy.

Ang mga  participant sa prusisyon ay may hawak na mga kandila, may sindi, pero, walang init at liwanag na makita at madama ang taumbayan.

‘Ang ipinagmamalaking PPP – Public Private Part-nership, ay hihdi gumagalaw.

Walang pagyanig ang nararamdaman ng bayan at walang nakikitang infrastructure na itinitindig sa tigang na lupa.

Lahat ng pagyanig at paggalaw ay nararamdaman at nagaganap sa kapulungan ng Kongreso.

Walang puknat na imbestigasyon sa iba’t ibang uri ng anomalya at katiwalian: mga lumang helicopter na pinalabas na bago at sa hearing naman na isinagawa ay hindi helicopter ang tinalakay kundi ang mga ulat na dayaan sa 2004 presidential elections; convertion ng pondo ng militar upang mapunta sa bulsa ng mga opisyal; NBN -ZTE deal na hindi natuloy; fertilizer fund scam na ang tumaba lamang ay bulsa ng mga opisyal sa DAR – Department of Agriculture; Philippine Charity Sweepstakes Office intelligence fund at mga susunod pang imbestigasyon ng Kamara at Senado, tulad ng North Rail Project na ire-rebid matapos  mapatunayan na overpriced; pautang ng DBP – Development Bank of the Philippines na umano ay naging dahilan ng pagpapakamatay ng isang abogado; at marami pang susunod na kahindik-hindik at kapana-panabik na kabanata sa teleserye at Sarsuela na ngayon ay nagaganap sa kapulungan ng Kongreso.

Ano ang inaasahan ng bayan pagkatapos ng imbesti-gasyon?

Lagi kasing sinasabi na ang lahat ay in-aid-of-legislation, pero wala pang mga batas na napagtitibay upang hindi na maulit ang mga anomalya at katiwalian.

(May Karugttong)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply