Ang pinagdaraanan sa ngayon ang siyang magdidikta kung ano siya kinabukasan

INAMIN ni Bianca Gonzales sa aming exclusive interview sa kanya na malungkot siya sa nalalapit na pagkawala ng showbiz news program nila ni Boy Abunda na “Showbiz News Ngayon.” In fact, ‘di napigilan ni Bainca ang umiyak after ng last live episode ng SNN last Thrusday. Ang laki-laki raw kasi ng parte sa buhay niya ang SNN.

“Hindi ko maimadyin ‘yung mga gabing darating na biglang, ‘ay! wala na pala ako’ng pupuntahan na SNN.’ Hindi ko pa-maimagine. Nakuha ko ‘yung SNN mahigit isang taon na at marami nang nangyari sa buhay ko. Marami ako’ng natutunan, marami ako’ng nakilala,” pahayag ni Bianca.

Aside from the obvious fact daw na ibang klaseng honor na mabigyan siya ng show katabi ang King of Talk na si Boy Abunda, ang laki-laking bagay na noon sa kanya.

“But at the same time, lagi ko’ng sinasabi na biggest unexpected dream ko ang SNN kasi host ako hindi naman po ako aktres so, never ko’ng pinangarap magka-show ako sa primetime. Kasi wala namang talk show sa primetime puro drama. So, SNN to have was really a big blessing and also too sad ako. Pero mas thankful na rin ako kasi feeling ko I grew-up as a host, ah, mas  nakilala ako ng mas marami pa’ng tao at saka  napakagandang show kasi para sa akin ng SNN. So, blessing talaga siya sa bu- hay ko na ano, unfortunately, magtatapos na,” sabi pa ni Bianca.

Last Thursday ay nag-guest si Bianca sa Kris TV together with her friend na si Mariel Rodtiguez. Muli niyang sinabi doon na she feels sad na mawawala na ang SNN. Pero Masaya naman daw siya na babalik na siya sa Saturday showbiz-oriented talk show nila noon nina Mariel at Toni Gonzaga na “e-Live!” simula sa September 17.

Nag-promise naman si Kris kay Bianca na ito ang mag-pinchhit sa kanya kapag super-busy na ang Queen of All media sa shooting ng  movie niya na Segunda Mano with Dingdong Dantes.

-ooOoo-

NAGKAROON naman kami ng chance na sabihin sa King of Talk ang pagkalungkot ni Bianca Gonzales sa pagkawala ng Showbiz News Ngayon. Napakaganda naman ng sinabi ni Kuya Boy about Bianca nu’ng makorner namin siya sa launching ni Kris Aquino bilang endorser ng Olay Effect product. Na kung anuman ang pinagdadaan ni Bianca  ngayon ay siyang magdidikta kung ano siya sa kinabukasan bilang TV host.

Nagbigay din ng pahayag si Kuya Boy sa sinabi diumano sa “Kris TV” na ready siya na bumalik sa “e-Live!’ Kinorek ni Kuya Boy ang diumano’y pahayag ni Mariel. Ang alam niya ‘di sasabihin ‘yun ni Mariel and what she said was ‘ready ako na mag-host ng talk show’ something to that effect.

Tinanong rin si Kuya Boy kung lilipat si Mariel sa TV5. Maugong kasi ang tsismis na nagpunta raw si Robin sa Kapatid network at isasama diumano sa paglipat niya ang misis na si Mariel. Muling kinorek ni Kuya Boy ang tsismis. Sa pagkakaalam niya ‘di mismo si Robin ang nagpunta doon but someone close to him.

Nilinaw din ni Kuya Boy ang malisyosong tsika na ‘di sila okey ni Robin. Never daw nangialam si Robin sa mga desisyon niya sa career ni Mariel bilang manager ng TV host.

Anyway, magsisimula na sa October 3 si Kuya Boy sa “Bandila.” Pero bago ‘yun marami pa’ng aayusin si Kuya Boy habang may libreng oras pa. At possible rin na after a long time ay madala niya sa abroad ang kanyang ina na bumuti na nang konti ang kalagayan na si Nanay Lesing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply