Ang pork ni Pedro di dapat kainin ni Juan

ANG opposition bloc sa Kamara ay hindi pa tumatahan sa pag-iyak.

Dahil sa halos ay wala nang iluha at dinudugo sa kawalan ng panggastos, lumilipat na sila sa maaliwalas na bakuran ng administrasyon ni PNoy.

Ang PDAF – priority development assistance fund o pork-barell – ng mga kongresista na 70 million pesos isang taon ay hindi pa natatanggap ng ilang member of the opposition.

Hindi na tuloy dumadalo sa sesyon ang minorya sa Kamara upang makisangkot sa maagang pagpapatibay ng pambansang badyet sa taong 2012 na umaabot sa 1.8 trillion pesos.

Importante ang pork barrel sa kongresista at mga senador.

Ito ang pinakadugo ng mga proyekto na magbibigay ng mehora sa kanayunan ng ating lahi; magkakaloob ng scholarships sa mga kabataan at matutugunan ang pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.

Nagpasya ang Palasyo na ibigay na ang pork-barrel nina congressmen – Danilo Suarez ng Quezon; Arthur Yap ng Bohol; Mitos Magsaysay ng Zambales; at Ferdinand Martin Romualdez ng Leyte.

Ang butata sa pork ay ang magkapatid na Arroyo – sina Dato ng Camarines Sur at Mikey ng Ang Galing Pinoy partylist; sina Augusto “Boboy” Syjuco, Jr., dating director-general ng TESDA -technical education and skills development authority –  ng Iloilo; Amelita Villarosa ng Mindoro Occidental; Marc Douglas Cagas ng Davao Del Sur; at Ignacio “Iggy” Arroyo ng Bacolod.

May mga balitang kumakalat na gusto yata ni PNoy na ang pork ay ibigay sa mga governor at mayor bilang pagtupad sa pangako noong nakaraang presidential elections.

Your Excellency, Mr. President, kayo po ay Pangulo hindi lamang ng majority party – kayo po ay Presidente ng buong Pilipinas.

Samakatuwid, bilang pinakamataas na opisyal ng gobyerno, nasa inyong kapangyarihan na isaayos ang lahat.

Ang “pork” ni Pedro ay hindi dapat kainin ni  Juan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply