Ang raket ni Maclang sa NBP

MATINDI ang nilalaman ng sulat na ipinadala sa Pakurot ng isang masugid na mambabasa ng Remate na madalas dumalaw sa New Bilibid Prisons kung saan nakapiit ang isang dating miyembro ng military na si ex-Colonel Rolando Maclang.

Hindi pa man umaaksyon ang Department of Justice hinggil sa mga naunang pagbubunyag ng ating mga mambabasa sa pamamagitan ng kolum na ito, muli na naman nating tatawagan ng pansin ang tanggapan ni Justice Secretary Leila de Lima upang kumilos at magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon sa letter sender, ginawang negosyo ni Maclang ang Vanguards Association of former Scout Rangers and Special Forces dahil sa mga ipinaimprenta nitong tiket na ibinebenta at ipinabebenta sa mga kasamahan niyang preso sa Maximum Security Compound (MSC).

Tantiya ng nagpadala ng sulat na aabot sa mahigit isang milyong piso (P1M) ang halaga ng mga tiket na naipakalat na sa NBP.

Natural, ipinamigay ito ni Maclang sa mga mayor at kumander ng pangkat na siyang may hawak sa leeg sa mga preso na umaasa lang sa perang iniiwan ng kanilang mga dalaw.

Sa halip tuloy na magastos para sa pagkain at ilang pangangailangan ng mga kawawang preso ay napupunta pa sa bulsa ni Maclang ang pera.

Siyempre, hindi naman makakakilos si Maclang kung hindi niya kasabwat ang ilang opisyal ng Bureau of Corrections katulad ni Supt.  Richard Schwarzkopf na super sipsip sa director niyang si Ret. Gen. Gaudencio Pangilinan.

Si Schwarzkopf umano ang nagbibigay ng mga maling impormasyon kay Pangilinan dahil ito lang ang nakabubulong madalas sa nasabing opisyal.

Maliban dito, hindi naman talaga bibigyang-pansin ni Pangilinan ang mga mali o iligal na gawain ni Maclang tulad ng pagbebenta ng tiket at paggamit niya sa Vanguards Inmates Association dahi l ”mistah” niya ito o kaklase sa Philippine Military Academy class ’79. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply