Ang storm surge

NAGULAT ang marami sa biglang pag-apaw ng tubig mula sa Manila Bay sa Roxas Boulevard sa Maynila kahapon sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Pedring na nagresulta sa pagbaha sa nasabing boulevard at ilang establisimyento hanggang sa mga karatig na lugar.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administartion (Pagasa), ang naganap kahapon sa Manila Bay ay ang tinatawag na “storm surge.”

Ano ang storm surge? Ang storm sugre ay ang abnormal na pagtaas ng tubig dagat na associated ng low pressure weather system gaya ng tropical cyclones at strong extratropical cyclones.

Ito ay sanhi ng high winds na tumutulak sa surface ng dagat. Ang malakas na hangin ang naging dahilan upang magkumpol ang tubig na mas mataas kaysa sa ordinary sea level.

Iba naman ang storm surge sa storm tide. Sa storm tide ang water level ay tumataas dahil sa kombinasyon ng storm surge at astronomical tide.

Sa storm surge at storm tide ay parehong maaaring makaranas ng matinding pagbaha sa coastal areas at maging sa karatig na pook lalo na kung ang dalawa ay masasabay sa normal high tide gaya ng naganap kahapon.

Samantala, ayon sa Pagasa, tatlong malalakas na bagyo pa ang papasok sa bansa hanggang sa matapos ang 2011 kaya naman kailangan pa rin ang paghahanda.

Hindi natin alam kung kailan tatama sa ating lugar ang malakas na bagyo na maaaring maglagay sa ating buhay at ari-arian sa alanganin.

Tiyakin natin na lagi tayong handa sa anumang uri kalamidad.

Isa sa dapat na mayroon ang bawat tahanan bilang paghahanda sa kalamidad ay ang medicine kit o emergency kit.

Mga nilalaman ng emergency kit:

1. Gamot gaya ng paracetamol, gamot sa sipon at ubo
2. Malinis na tubig at chocolate bars
3. Band aid, alcohol, gasa at panglinis ng sugat
4. Flashlight
5. Panglamig upang maprotekhan ang katawan sa masamang panahon.

Mga dapat na gawin tuwing may bagyo

1. Huwag mag-panic at maging kalmado upang makapag-isip ng mabuti.

2. Huwag maghiwa-hiwalay.

3. Pumunta sa ligtas na lugar. Manatili sa loob ng tahanan at isara ang mga bintana at anumang bukas na bahagi ng bahay upang maiwasan na matamaan ng mga lumilipad na bagay dala ng malakas na hangin na dulot ng bagyo. Kung nakatira sa baybaying dagat, agad na lumikas upang maisalba ang buhay.

4. Laging makinig sa radyo para malaman ang update sa bagyo o matinding pag-ulan upang malaman ang mga dapat na gawin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply