Angara dismayado sa P191B budget sa edukasyon

HINDI nasisiyahan si Sen. Edgardo Angara sa P191 bilyong budget na inilaan ng Palasyo sa Department of Education (DepEd) dahil kumakatawan lamang ito sa 2.6% ng Gross Domestic Product (GDP).

Sinabi ni Angara na dapat bigyan ng pagpapahalaga ng pamahalaan ang pamumuhunan sa reporma sa edukasyon dahil kundi kaagad kikilos ang DepEd na mapabuti ang sistema, hindi makakahulagpos sa kahirapan ang ating bansa.

“The Philippines has had a mediocre ranking in global competitiveness leagues – and one of the main factors contributing to this is the deteriorating quality of education. This poor performance means that it is time to review and revamp our educational system,” ani Angara, chairman ng Senate committee on education, arts and culture.

Ayon kay Angara, nakasalalay sa edukasyon ang kagalingan ng bawat indibiduwal at pambansang kaunlaran ngunit umaabot lamang sa 2.6% ng GDP at 15.2% ng kabuuang gastusin ng pamahalaan ang inilaan sa edukasyon.

“Mas mababa ang bilang na ito kumpara sa ating kapitbahay sa Southeas Asia. Katunayan, nasa ika-75 lamang tayo mula sa 142 bansa sa Global Competitiveness Report 2011-2012. Lubhang mababa ang kalidad ng ating math at science education – tagasulong ng pagbabago at mas mataas na produktibidad – na pumalo sa ika-115 place,” giit ni Angara.

Naniniwala si Angara na kapag nagkaroon ng reporma sa edukasyon, magreresulta ito ng patung-patong na benipisyo pero kailangan gawin natin agad ito.

“It would take around 20 years before we see the effects of true educational reform in the Philippines–we have a 16-year educational cycle, plus an additional four years to see how these students perform in the real world. We cannot afford to delay making a comprehensive review and overhaul of our education sector,” patapos ni Angara. Ernie Reyes



loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply