Angel of death si Dingdong!

EXCITED na raw si Rhian Ramos sa bagong soap na muling pagtatambalan nila ni Dingdong Dantes sa GMA-7.

“Wala pang final title pero sa story, si Dingdong ang tagasundo ng mga dapat nang mamatay,” aniya nga nang makapanayam namin sa dressing room ng “Manny Many Prizes” recently.

“Siya ‘yong Angel of death in other words. Tapos nakatakda na sana akong mamatay pero dahil na-inlove siya sa akin, pinigil niya ang kamatayan ko.”

May gagawin din siyang project with Aljur Abrenica. Pang-Valentine presentation daw ito ng GMA Films next year.

“May movie kami ni Aljur.

“I’m happy na talagang ako at si Aljur ang bida sa Valentine offering ng GMA Films,” nangiting sabi pa ni Rhian.

“Natuwa ako na dumating ‘yong pagkakataong ganito. Kasi sa lahat ng mga pelikula na nagawa ko so far, hindi ko masasabi na talagang akin iyon, eh.

“Most of the time kasi, marami kami sa cast. Apat kami o more pa. Madalas na gano’n.

“Pero at least etong parating ngayon na movie na gagawain ko nga with Aljur, talagang kami ang lead do’n.”

Magka-in love-an kaya sila while filming the said project?

“Siguro… hindi!” natawa si Rhian.

Kung sabagay, hinihinala ngang mag-on na ngayon sina Aljur at Kylie Padilla, ayaw lang umamin ng dalawa.

“Ayaw umamin? Pero kung gano’n nga na balitang sila na, e di… mas malakas ang chance na hindi kami magka-inlove-an! Ha-ha-ha!”

Pero inaasahan na raw ni Rhian na mali-link sila ni Aljur sa unang pagsasama nilang ‘yon sa pelikula.

“Alam ko naman na kasama na nga roon ‘yong maiintriga kami. Alam ko naman ‘yon.

“Pero… siyempre ‘yong responsibility ko lang, ‘yong behind the scenes. Kung ano ‘yong mangyayari, di ba?

“’Yon lang naman. Hindi ko naman responsibility kung maiintriga kami o hindi. So okey lang.”

Wala na silang communication ng ex-boyfriend niyang si Mo Twister. Paano kung magkikita sila one of these days?

“Wala. Like I said naman, I mean… I’ve gotten apology after apology. And I really really appreciate it. I’m happy to get an apology and everything. Uhm…and I think it’s all behind me.

“Parang feeling ko it’s in the past na rin. So… walang dahilan para gawin ko pa siyang big deal. Uhm… masaya na rin naman ako. Hindi naman ako galit or anything.

“So okey na. I mean… I’m sure kung makita ko siya, magiging okey ako. Hindi naman ako mang-i-isnab.

“Lalo na… bakit ko siya ii-snub e… nag-sorry naman and everything. I mean kung may nang-away sa akin tapos hindi naman nag-sorry, ‘yon… possible pang hindi ko pansinin. Di ba?”

Mo is still seeing a therapist yata until now for him to become a better person.

“It’s good!”

Aminado naman nga si Mo na hindi siya naging okey as a person and as a boyfriend no’ng panahong sila pa. At may mga pagkakamali raw nga itong nagawa na nakasakit kay Rhian.

“Uhm… I don’t know. I think it’s good na kapag feeling mo may problema ka, nairi-resolve mo siya. So I’m proud of him for doing that. Tapos ano… naging matapang pa siya to say it in public.

“E usually, di ba? Karamihan ng mga taong pumupunta ng therapist, hindi iyon sasabihin in public kasi baka isipin ng tao ganito o ganyan. Di ba?

“Pero… napaka-normal lang naman na pumunta sa isang therapist. Kasi siyempre minsan gusto mo ng isang kausap na alam mong sure ka hundred percent na good advice ‘yong makukuha mo.

“Kung kaibigan mo ‘yong tinanong mo hindi naman laging good advice iyon, di ba?  So… good ‘yon.”

Parang ang dali niyang naka-move on sa break up nila ni Mo. Ano kaya ang advice na puwede niyang maibigay sa girls na kagagaling sa break up?

“Ayoko namang i-judge ako for what’s inside me, ano?

“I mean… hindi malalaman ng ibang tao kung mabilis akong mag-move on o hindi.

“Trabaho kong umarte. So hindi iyon malalaman ng ibang tao kung mabilis akong mag-move on o hindi.

Makikita lang ng tao kung ano ‘yong gusto kong ipakita siyempre,” sabi pa ni Rhian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply