Angelica di na raw kaya ang drama ng mga sekyu ng ABS-CBN!

MAINTRIGA ang emote ni Angelica Panganiban sa kanyang Twitter Account: Nag-post siya ng “Hindi ko na kaya ang mga guards ng ABS…. :( hindi naman dapat sigawan driver ko…. Sana hindi bastos..” (Welcome back Roldan. It’s so nice to have u around again. We missed u so much, kapatid! – Ed)

Nu’ng matapos ang palabas ng “Banana Split” sa channel 2 nu’ng Saturday night heto na naman ang emote niya.

“Salamat sa inyo! Sa nagbibigay importansya sa Banana Split :) Tigilan na ang pangmamaliit sa amin! Goodnight!”

Sino ang pinatutungkulan ni Angel?

Anyway, magce-celebrate next Saturday ang ‘Banana Split’ ng kanilang third anniversary at balik na ito sa hapon at tatawaging “Banana Split Afternoon Delight.”

Talbog!

-0o0-

KAHIT nawala sa ‘Banana Split’ si RR Enriquez ay hindi naman siya nawalan ng exposure dahil kasama siya sa seryeng “Reputasyon,”

Nai-enjoy naman niya ang taping kahit babad sila at napupuyat sa taping.

Ang latest pa sa kanya ay bininyagan na siya kahapon, Sunday, September 18 bilang Christian.

‘I’m so soooooo haaaapppyyyyyy,” sey niya sa amin sa Facebook Acoount niya.

Sino ang nag-convince sa kanya na maging Christian?

“My bf influenced me na maging Christian. Actually, last year ko pa gusto kaso i don’t know how to start it. Praise GOD kasi GOD touches my bf’s heart. Preho kami na-baptized tomorrow,” kuwento niya.

Ang kanyang boyfriend ay ang basketbolistang si Jayjay Helterbrand .

-0o0-

NAGPAALAM na pala si Mariel Rodriguez sa kanyang noontime show sa ABS-CBN bilang paghahanda sa paglipat niya sa TV5 at maging co-host ng “Wil Time, Big Time” ni Willie Revillame.

Isa pang matunog na mag-o-ober da bakod ay ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Manager ni Mega ngayon si Boss Vic Del Rosario at pinag-araalan ang posibilidad na mag-transfer ng istasyon.

Anyway, hindi naman pinapabayaan ng ABS-CBN si Sharon at pinag-uusapan ang kanyang show ngayon na “Biggest Loser” na ang grand finals ay sa October 8, Saturday, 7 p.m. sa Ynares Gym, Pasig.

-0o0-

SPEAKING of Mega, humihirit pa raw ito ng isang anak sa kanyang asawang si Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

“Pwede pa sana (isang child) eh.

“A few days ago pinag-uusapan namin yan ni Kiko. Sabi ko I want pa, sabi niya enough na,” kuwento niya sa isang interbyu.

“Gusto ko talaga eh. Pero actually siya ayaw na niya,” sey pa niya.

Anyway, nabawasan din ng timbang si Mega at maging inspirasyon sa kanyan ang The Biggest Loser – Pinoy Edition.

“Hosting the show has been so inspiring. I think it’s also a metaphor for other big problems people might be going through not just physical, it’s not just about weight eh,” paliwanag niya.

-0o0-

MAGSISIMULA na ang operasyon ng Asia’s first 24/7 Telenovela Channel ngayong Sept. 19 sa cable.

Ayon naman kay Ms. Pelita Peralty Uy, producer ng Beginnings at Twenty Plus Inc. at managing Director ng Telenovela Channel, “Our theater actors deserve far better exposure and they command our highest respect. What the young director said about them was really insensitive and careless but now, instead of getting mad, we should do something about it. We have been working with theater actors in language dubbing since 2005. Through this, many of our theater actors and radio talents are receiving a regular income which definitely cannot be compared to catfood.. Some are even receiving more than a regular executive but they still act in theaters, because of their love for craft and passion.”

Sinabi pa ni Ms. Uy, na ang naturang channel ay magso-showcase ng inimitable skills ng mga Filipino voice talent stalwarts—some of which are the crème de la crème of Philippine theater, film, television at radio na talaga namang mahuhusay.

Itatampok sa 24/7 channel ang eclectric mix na mag-e-entertain ng audience of all ages—from the timeless love stories that spans generations, both contemporary and epic in scope, suspense thrillers, youth-oriented melodramas at children’s adventure stories na blockbuster hits sa bansang unang napanood ito o kung saan mang bansa ito ginawa.

Narito ang mga maaaring mapanood sa Telenovela Channel— Pasion (Passion), En Nombre de Amor (In the Name of Love), Verano de Amor (Summer of Love) at Las dos Caras de Ana (The Two Faces of Ana).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply