Anomalya sa segunda manong imported firetruck

MAY ilang panahon ko na ring naririnig at nababasa sa mga pahayagan ang reklamo ng mga taga local fire truck industry hinggil sa kawalan ng suporta sa kanilang hanay ng kasalukuyang administrasyon lalo na si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Pakiramdam kasi ng mga gumagawa ng local fire trucks ay pilit silang ginigipit ni Robredo dahil maliwanag sa mga pahayag nito na mas gusto niyang tangkilikin ang imported na fire trucks kahit alam niyang mas mahal at segunda mano ang mga ito.

Dahil sa mga reklamong ito ay marami na ding nakapapansin sa kanilang kalagayan gaya nang mga pinakarespetado at iginagalang na mga mamamahayag at kolumnista sa bansa.

Napukaw na rin ang atensyon ng Kongreso at Senado at ilang mambabatas na din ang sumisilip sa isyu.

Sa aking sariling pagsasaliksik ay lumalabas na ang fire pump palang ginagamit sa mga local fire truck ay 100 porsiyentong imben-syong Pinoy kaya protektado din sila ng mga batas hinggil sa pagbibigay dangal at proteksyon ng Filipino inventions at ganun din ng tinatawag na Filipino First policy.

Kaya nga hindi nakapagtataka na talagang ipinagtatanggol ni Agham partylist Rep. Angelo Palmones at maging ni Antipolo Rep. Romeo Acop ang karapatan ng mga local fire manufacturer.

Dahil sa ingay na naidulot ng kontrobersya ay kumilos na rin ang Senado sa katauhan ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy E. Estrada.

Gustong malaman ni Estrada, kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumibili ng mga kailangang fire truck na tinawag niyang “frontline of defense” ang mga local government unit  ang BFP.

Mukhang nalaman na niya na si Robredo pala ang dahilan kung bakit nababalam ang pagbili at pagbibigay ng mga fire truck sa mga LGU.

Batay sa record, ang bansa ay kapos ng tinatayang 1,600 units ng fire trucks para sa LGUs upang sila’y maging supisyente at episyente sa pagresponde sa oras ng mga sakuna. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply