Antas ng walang trabaho sa bansa ‘di nabago ngayong taon

HALOS hindi tumaas ang antas ng porsyento ng mga walang trabaho sa bansa, base sa ipinalabas na talaan ng National Statistics Office (NSO).

Batay sa estatistika noong Hulyo 2010, umabot sa 7 percent margin ang rate ng unemployment sa bansa at 7.1 percent naman ngayong taon.

Ayon sa talaan mayroong kabuuang 37.1 milyong Filipino ang walang trabaho at ang employment rate ay 92.9 porsyento– halos katulad ng employment rate noong parehas na quarter ng nakaraang taon na 93 porsyento.

Nangunguna sa workforce ang mga manggagawa at unskilled workers sa antas na 32.6 porsyento, at pumapangalawa naman ang mga magsasaka, manggugubat at mga mangingisda sa sector ng agrikultura na siyang 15.2 porsyento ng mga may trabaho sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply