Anti Bullying Act aprubado na sa Kamara

APRUB na sa Kamara de Representantes ang Anti-Bullying Act upang matugunan ang tumataas na insidente ng mga pananakot at pagbabanta  ula sa mga nagsisiga-sigaan sa mga paaralan.

Batay sa pinagsama-samang panukala sa ilalim ng House Bill 5248 na iniakda nina Ako Bicol party list Reps. Rodel Batocabe, Alfredo Garbin Jr. at Christopher Co, na dapat magkaroon ng polisiya ang mga elementary at secondary schools ukol sa pambu-bully at kung paano tutugunan.

“Cyber-bullying or any bullying done throught he use of technology or any electronic means is also covered by the proposal,” ani Garbin.

Sinabi naman ni Batocabe na layunin ng naturang panukala na magbigay ng kaalaman sa mga estudyante at mga magulang ukol sa epekto ng pambu-bully at kung paano maiiwasan.

Tinukoy pa ng Ako Bicol na nakababahala na ang mga insidente ng pambu-bully sa mga paaralan na siya ring nagbibigay ng pangamba sa maraming mga magulang.

Aniya, nagbubunsod din ito ng pagpapakamatay at pagkamatay ng mga estudyante para lamang matakasan ang pagmamalabis ng mga kaklase sa maraming bansa.

Inaatasan din sa panukala ang school officials na magbigay ng mekanismo upang matugununan ang pananakot kabilang ang pagbibigay alam sa law enforcement agencies at pagbibigay ng kaukulang disciplinary at administrative action gayundin ang pagbibigay alam sa mga magulang o guardians ng mga nambu-bully.

Kailangan din isama ng Department of Education sa kanilang training programs courses na magtuturo sa school administrators, teachers at employees kung paano maiwawasan at hahawakan ang mga sitwasyon o insidente ng pambu-bully.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply