Anti-corruption programs ibibida ni PNoy sa OGP

ANG paglulunsad ng Open Government Partnership (OGP) ang inaabangan ngayon ng mga kababayan na nasa Amerika sa magiging talumpati ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bukas.

Alas-2:00 ng madaling araw bukas, oras sa Pilipinas ay magsasalita si PNoy na dadaluhan din nina US Pres. Barack Obama at Brazil Pres. Dilma Rousseff.

Inaasahan dito ang commitment ng administrasyon sa good governance at anti-corruption campaign.

Sinabi ni Philippine Ambassador to United States Jose Cuisia na ang pagkakasama ng Pilipinas sa steering committee ay pagkilala sa mga nasimulang reporma ni Pangulong Aquino.

Kabilang sa mga miyembro ng OGP Steering Committee ang US, Brazil, United Kingdom, Indonesia, Mexico, Norway at South Africa.

Nasa 40 bansa naman ang imbitado pero mga miyembro lamang ng Steering Committee tulad ng Pilipinas ang magsasalita sa event.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply