Anti-psychotic drug nilaklak, paslit nabangag

BANGAG at na-overdose ang siyam anyos na bata matapos laklakin ang isang uri ng anti-psychotic drug sa Misamis Oriental kahapon, iniulat ng pulisya kanina

Sa report na ipinarating sa Camp Crame, itinakbo sa Northern Mindanao Medical Center ang biktimang itinago sa pangalan Boy, ng ng El Salvador City,  Misamis Oriental.

Nabatid na nahirapag huminga ang biktima bunsod ng nainom na anti-psychotic medicine na Haloperidol.

Napag-alamang napabayaan ng ina at lola ang biktima matapos makatulugan ang bata na napaglaruan ang nasabing gamot na para sa mga mentally challenged patient.

Lumalabas na nakasilid ang nasabing gamot sa loob ng bag na nakalagay lamang sa sahig ng bahay at nang makita ng bata ay nakatuwaang inumin.

Sinasasabing nung una ay parang nawala sa tamang pag-iisip ang biktima subalit bigla na lamang nanghina at nahirapang huminga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply