Agrikultura suportado ng gobyerno

SUPORTADO ng gobyerno ang pagparami ng lugar na taniman ng prutas at pagsulong ng pagpapaunlad ng pukyutan o industriya ng apiculture.

Ito ang ipinangako ni Agriculture Secretary Proceso Alcala matapos siyang makipagpulong sa mga stakeholders ng apiculture industry sa National Apiculture Research, Training, and Development Institute (NARTDI) sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa Bacnotan, La Union.

Aniya, ang apiculture ay isang susi hindi lamang sa paggawa ng honeybee at ibang produkto kundi makakatulong din sa produksiyon ng prutas at organic agriculture na isang epektibong pamamaraan na ma-enhance ang mga bulaklak na makapag-produce ng prutas sa natural na paraan.

Ayon kay DA-Bureau of Animal Industry (BAI) Director Efren Nuestro, sa ngayon umaangkat aniya ang Pilipinas ng may 400 metriko toneladang natural at artipisyal na pulot pukyutan o honey kada taon upang madagdagan ag kakulangan sa lokal na produksiyon ng honey ng hanggang 150 MT na kinakailagan sa mga kabahayan, hotels, restaurants, at ibang institution na nangangailangan ng honey.

Dagdag naman ni DA-BAI apiculturist Elmer Esplana, malaking potensiyal aniya ang apiculture sa Pilipinas dahil ang isang kutsara ng honey araw-araw ay kailangan para maka-produce ng may  728,175 MT kada taon.

Ang limang nangungunang apiculture sites sa bansa ay kinabibilanga ng Cordillera , Ilocos, Cagayan, Central Visayas at Southern Tagalog. Alex Ching

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply