Apo ng Sarangani town mayor nagpatiwakal

NAGBIGTI ang apo ng isang mayor ng Sarangani town kaninang madaling araw.

Sinabi ni Inspector Rodel Havison ng Malapatan PNP, wala ng buhay nang madiskubre ang biktimang si Anji Singcoy Ginawan, 24, empleyado ng munisipyo at residente ng Poblacion Malapatan, apo ni Alfonso Singcoy, mayor ng Malapatan, Sarangani.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa mismong kuwarto ng biktima.

Ayon kay Havison, bago ang insidente ay napansing balisa at may malalim na iniisip ang biktima.

Naulinigan din itong sinisisi ang sarili dahil sa pagpayag umano nitong pumunta sa ibang bansa ang kanyang misis na isang overseas Filipino worker (OFW).

Nagulantang na lamang ang isang nagngangalang Beverly nang biglang may kumalabog sa loob ng kuwarto ng biktima ngunit nang tawagin niya ang pangalan nito ay hindi ito sumagot.

Dahil dito, kinutuban si Beverly kaya agad na kinatok niya ang kwarto ng biktima ngunit hindi ito nagbukas kaya puwersahan nang binuksan ito at tumambad ang nakabiting biktima.

Gumamit ang biktima ng nylon cord na ipinalupot sa kanyang leeg at itinali sa biga ng kanilang bahay.

Hinala naman ng pulisya na baka may masamang balitang nakarating sa biktima mula sa kanyang misis na nasa ibang bansa na hindi nito umano nakayanan kaya nagpakamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply