Appointment ng DOH secretary executive assistant, sabit sa batas?

NANGANGAMBA ang isang opisyal ng Civil Service Commission (CSC) na may sabit sa batas o sablay ang pagkaka-appoint kay Ms. Blesilda A. Gutierrez bilang executive assistant to the secretary ng Department of Health (DOH).

Sa isang liham ni Hans Alcantara, director ng  CSC-Field Office sa Quezon City, kay Dr. Aileen Javier, Executive Director ng Nation Kidney and Transplant Institute (NKTI), Quezon City  na may petsa na Hulyo 12, 2011, na: “there could be legal impediment to Ms. Gutierrez assumption of her post at the DOH” because she is at the same time “serving as deputy executive director of NKTI.”

Base sa isang CSC resolution, ipinaliwanag ni Alcantara na, “it is inconceivable that the duties and functions of the executive assistant to the DOH secretary can be considered as extensions of, or in anyway connected with, her [Gutierrez] duties at the NKI.”

Hindi umano maaaring gamiting dahilan ng “compatibility requirement” sa kaso ng paghawak ni Gutierrez ng dalawang posisyon sa gobyerno, ayon kay Alcantara.

Dagdag pa niya, alinsunod sa CSC Resolution No. 00-0005 noong Enero 4, 2000, na ang layunin ng prohibisyon sa paghawak ng dalawang posisyon, na ibinatay ng komisyon sa isang Supreme Court (SC) ruling.

Ayon sa SC ruling sa kasong Civil Liberties Union vs Executive Secretary: “If maximum benefits are to be derived from a department head’s ability and expertise, he should be allowed to attend to his duties and responsibilities without distraction of other government offices and employment. He should be precluded from dissipating his efforts, attention and energy among too many positions of responsibility, which may result in haphazardness and inefficiency.”

Nag-ugat ang liham ni Alcantara kay Javier nang hilingin ng huli ang opinyon ng CSC ukol sa kaso ni Gutierrez.

Napag-alaman na ang DOH Department Personnel Order (DOH-DPO) noong Hunyo 27, 2011,  ang nagluklok kay Gutierrez bilang executive assistant to the DOH secretary, bukod pa sa kanyang mga responsibilidad sa NKTI.

Ilan sa mga responsibilidad ni Gutierrez bilang executive assistant to the secretary of the DOH, ayon sa DOH-DPO ay ang mga sumusunod:

  1. Monitoring accomplishment of DOH performance targets and budget utilization;
  2. Reviewing documents pertaining financial and administrative concerns for signature of the secretary; and
  3. Performing other related functions as may be assigned.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply