Aquino admin suwapang sa buwis– Sen. Koko

BINALAAN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagiging suwapang sa pagpapataw ng karagdagang buwis sa taumbayan partikular na ang planong pagpapatupad ng value added tax (VAT) sa toll expressways sa Oktubre 1.

Nangangamba si Pimentel na magkakaroon ito ng “social backlash” kung saan magdudulot ng negative impact sa ekonomiya ng bansa.

Ayon sa senador, walang ibang maaapektuhan sa pagpapataw ng VAT sa toll kundi ang mga ordinaryong mamamayan.

Ipinaliwanag ni Pimentel, ang karamihan sa mga dumadaan sa toll expressways ay ang mga nag-aangkat ng mga prutas at gulay mula sa mga lalawigan o probinsya.

Aniya, kung itataas ang singil sa toll expressways ay mapipilitan ang mga nag-aangkat ng prutas, gulay at iba pang mga pangunahing bilihin na magtaas na rin ng kanilang mga presyo sa merkado na siguradong maaapektuhan ay ang mamamayan.

“As a result, the end-consumers will suffer because prices of basic commodities will also rise,” ani Pimentel.

Hinikayat din ng senador ang Pangulo na huwag nang ituloy ang pagpapataw ng VAT sa toll na walang ibang mahihirapan kung hindi ang publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply