Aranque, Cartimar, ipasasara sa bentahan ng endangered species

MALAKI ang posibilidad na ipasara ng Senado ang Aranque Market sa Binondo, Maynila at Cartimar Market sa Libertad, Pasay City kapag napatunayan na bagsakan ito ng endangered species na lantarang paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ganito ang punto ng Senate Resolution No, 577 na inihain ni Sen. Manuel “LIto” Lapid na inaatasan ang kaukulang komite ng Senado na imbestigahan ang talamak na illegal trade ng endangered species sa naturang pamilihan.

Ayon kay Lapid, kailangan imbestigahan ng Senado ang illegal trade na ito upang makalikha ng mas malakas na panukala upang epektibong maipatupad ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act at masugpo ang ganitong pangyayari.

“Despite efforts made by the authorities to apprehend illegal traders of threatened and endangered wildlife, the fact remains that illegal trading of endangered animals occur even in the most conspicuous places like the Aranque and Cartimar markets,” ayon kay Lapid.

Nitong nakaraan, ilang endangered animal species tulad ng talking myna birds, serpent eagle at Asian box turtles ang nakumpiksa sa isang illegal trader sa Maynila.

Ayon sa suspek, galing sa Palawan at Bicol ang nakumpiskang endangered animals at nakatakdang dalhin sa Aranque Market upang ibenta.

Sa hiwalay na paglusob na isinagawa ng mga operatiba ng Pasay City government sa Cartimar Market sa Libertad nitong Hunyo, ilang nanganganib ng maubos na hayop kabilang ang   Mindoro Bleeding-heart pigeon, reptiles tulad ng ahas, sea turtles at tarantulas ang nakumpiska sa mga pet shop.

Kilala ang Aranque Market sa Maynila at Cartimar Market sa Pasay City bilang lungga ng pet lover at emperyo ng mga exotic animals kaya madalas ang bentahan ng illegal wildlife sa lugar.

“The illegal wildlife trade is among the world’s largest illegal trade, next to guns and drugs, and a big chunk of the global illegal wildlife trade takes place here in Asia with emphasis on Southeast Asia as having an increasing demand for illegal wildlife and it being the key supplier of wildlife products to the world,” paliwanag ni Lapid.

Sinabi pa ni Lapid na kailangan maituro sa mamamayan partikular sa mga lugar na may nanganganib at endangered wildlife na taliwas ang ganitong gawain sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act kaya inutil ang karamihan sa naturang batas.

“Section 2 of RA 9147, also known as the Wildlife Resources Conservation and Protection Act states, “ It shall be the policy of the State to conserve the country’s wildlife resources and their habitats for sustainability. In the pursuit of this policy, this Act shall have the following objectives: to conserve and protect wildlife species and their habitats to promote ecological balance and enhance biological diversity,” paliwanag ni Lapid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply