ARMM OIC lists ilalabas na ng DILG

MATAPOS ang dalawang araw na deliberasyon ng screening committee para sa irerkomendang Officer in Charge (OIC) sa Autonomous Region in Muslim  Mindanao (ARMM), ilalabas na sa susunod na linggo ang maiksing listahan ng mga kandidato.

Ayon kay DILG Secretary Jesse Robredo, chairperson ng  national screening committee, masusi aniya nilang binusisi at maingat ang ginawa nilang pagpili base sa kuwalipikasyon at background ng bawat kandidato.

Para sa posisyon ng Regional Governor at Vice Governor, ang ginawa ng committee ay pumili lamang ng 25 pangalan mula sa 111 aplikante at sa  25 mga pangalan ang bawat miyembro ngf komite ay bumoto ng anim na kandidato para sa Governor at apat na kandidato para vice-governor, kung saan sino man ang makakatanggap ng kahit tatlong  boto lamang ay papasok sa kanilang maiksing listahan at pagkatapos nito ang Committee ay gagawin ang maiksing listahan ng pito hanggang walong kandidato.

Habang sa kabuuang bilang naman ng 440 aplikasyon para sa posisyon sa Regional Legislative Assembly (RLA), sinabi ni Robredo na babase aniya  ang committee members sa listahan ng lima hanggang anim na kandidato bawat  RLA, depende aniya sa voter-population at bilang ng aplikante sa bawat distrito at probinsiya.

Aniya lahat ng kandidato na makakatanggap kahit tatlong boto ay awtomatikong kabilang sa shortlist, at sila ay hihingan ng kakulangang documentary requirements. Kasunod ang second round ng deliberasyon na nagresulta sa  shortlist ng  12 kandidato kada  distrito.

Ani Robredo, ang nasabing shortlist para sa bawat posisyon ay mamarkahan ng komite  at hiwalay na iiendroso sa House Speaker at Senate President, na kanya-kanya namang magsusumite ng kanilang rekomendasyon para sa pag-apruba at lagda ni Pangulong Aquino ngayong September 20, taong kasalukuyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply