‘Arms deal’ kay Gadhafi inamin ng China

INAMIN ng Chinese government na nagkaroon nga ng negosasyon ang kanilang pamahalaan sa mga opisyal ni dating Libyan dictator Moammar Gadhafi, sa layuning pagbili ng Libya ng mga armas.

Tumanggi naman itong ibigay ang kabuuang detalye.

Pero inihayag ni Chinese Ministry spokeswoman Jiang Yu na ang pagpupulong ay naganap noong Hulyo sa pagitan ng Libyan officials at kinatawan mula sa ilang Chinese companies.

Sinabi rin ng tagapagsalita na bagama’t nagkaroon ng negosasyon, wala umanong nangyaring bentahan ng mga armas.

Una nang inihayag ng National Transitional Council, ang namamahala ng gobyerno sa Libya na may ebidensiya silang nagkaroon ng arms deal sa pagitan ng China at ni Gadhafi.

Batay sa nasamsam na mga dokumento, sa kalagitnaan ng Hulyo, tumungo ng Beijing ang top security aides ni Gadhafi kung saan nakipagkita ang mga ito sa mga opisyal ng China North Industries Corp. (Norinco); the China National Precision Machinery Import & Export Corp. (CPMIC); at China XinXing Import & Export Corp.

Ipinakita raw sa mga tauhan ni Gadhafi ang buong stockpile ng nasabing mga kompanya at nangako pang gagawa ng karagdagang armas kapag kailangan.

Sa dokumento ay binigyang diin umano ng China na dapat confidential ang transaksyon at inirekomenda na dumaan sa third party ang pagpasok ng nasabing mga sandata sa Libya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply