Army Troopers pinasabog ang Lady Stags

IBUBULSA na ng Philipine Army Lady Troopers ang korona sa kauna-unahang Shakey’s V-League of Open Conference sa pagpapaputok sa San Sebastian College-Recoletos Lady Stags sa unang laro ng best-of-3 Finals sa The Arena, San Juan City noong Linggo.

Sa loob ng three-straight sets, magaan na 25-9, 25-20, 25-16, ang inirehistro ng Lady Troopers sa 14 hits ni Rachel Ann Daquiz, 13 ni Mary Jean Balse habang nag-ambag si Michelle Carolino ng 11 kills samantalang ang tinanghal na Best Attacker na si Marietta Carolina at Christina Salak ay naghati sa 18 hits sa maituturing na one-sided na panalo ng Lady Troopers ni coach Rico de Guzman.

Sa panig ng Lady Stags, tanging ang American import na si Lauren Port na tinanghal na Most Valuable Player at Best Scorer ay nakapagtala lang ng 13 points habang ang kanyang kasamahan ay nangapa sa buong laro.

Ang iba pang indibidwal na pinarangalan ay sina Suzanne Roces bilang Best Blocker, Lady Stag Ruby de Leon bilang Best Server, Denise Lazaro ng Lady Eagles na Best Digger at Jamenea Ferrer ng Ateneo ang Best Setter samantalang ang Best Receiver Honor ay nakuha ni Jennylyn Reyes ng Philippine Army Team.

Nauna rito, nagpasabog ng 30 puntos si Fille Cainglet para lunurin ang Philippine Navy sa sets na 25-22, 23-25, 25-19, 14-25 at 15-8 na panalo para sa laban nila sa 3rd position.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply