Astig na gambling lord sa QC biyenan ng konsehal

BULAG daw ang Quezon City Police District (QCPD) sa mga  nakalatag na pasugalan  sa Quezon City na pag-aari ng sinasabing biyenan ng isang konsehal sa ika-3 distrito ng lungsod.

Kalat na kalat at lantaran umano ang operasyon ng bookies, karera, lotteng at ending sa mga lugar ng Brgy. Batasan, Brgy. Payatas, Brgy. Pansol, Brgy. UP, Brgy. Krus na Ligas, Brgy. Botocan, Brgy, Quirino 2-A at 2-B at sa ilan pang lugar sa Quezon City.

Ang may-ari raw ng mga pasugalan na ito ay ka-“KKK” din ng isang retired general ng PNP na ngayon ay namamayagpag  at  siyang may hawak ng isang departamento sa Quezon City Hall.

Wala raw ibang pinangangalandakan ang gambling lord na ito kundi ang nasabing retired general dahil sa ito ay kanyang ka “KKK” na ang ibig sabihin ay kabarilan, ka-badminton at kaibigan.

Kilala ang gambling lord na ito sa tawag na “Ver Bicol” na taga-Interville Subd. ng  Brgy. Culiat.

Bukod sa kanyang ka-KKK na retired general ay biyenan  din daw ito ng isa sa pinakamatandang konsehal ng ika-3 Distrito ng lungsod Quezon. Saan ka naman nakakita na itong si Ver Bicol lang yata ang sinasabing may manugang na, may tatay at lolo pa.

Sa isang karinderya na nasa Maginhawa St. sa may Brgy. Teachers Village East ang meeting place nitong sina Ver Bicol, si retired general na ka-KKK nito at ilang  kagawad ng QCPD na  nakikinabang dito sa astig na gambling lord.

Kawawa naman itong si QCPD Director General George Regis, bulag na bulag sa mga iligal na operasyon sa  Quezon City.

Sir, hindi na uso ngayon ang sobrang bait, gamitan mo na ng pangil ang iyong mga abusadong pulis, hindi nyo ba napapansin na hindi nasusunod ang gusto nyo riyan sa  QCPD?

Halimbawa ng may gusto kayong ilagay sa isang unit, nasusunod  ba ang gusto mo o mas nasusunod ang mga tao mo?

Nagtatanong lang po Gen.  George Regis.

Gen. Regis, tama na ang pag bubulag-bulagan n’yo.

Naniniwala ako sa kakayahan mo, kung gugustuhin mo talagang ipatigil ang mga pasugalan ni Ver Bicol ay makakaya mo itong gawin kahit na sabihing malakas pa ang gambling lord na ito sa isang retired na heneral at sa ilang tauhan mo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply