Ate Vi bungisngis queen; Ate Guy hitsurang laging inuutangan

HALOS magka-edad sina Nora Aunor at Vilma Santos. Buwan lang ang lamang ni Nora kay Vilma. Pero kung ikukumpara ang dalawa pagdating sa hitsura, di hamak na mas bata at maganda ang huli.

Infairness sa mga Noranians, may kakaiba ring ganda ang idolo nila. Pinay na Pinay ang dating. Kaya lamang, pabaya ito sa sarili at umiinom pa raw ng alak at naninigarilyo kaya naokray ang beauty niya. Tumanda siyang tuyot.

Isa pa, hindi kagandahan ang buhay ngayon ng Superstar. Nasa Amerika nga pero hirap ito. Mabuti na lamang at maganda ang klima sa Tate, malamig, sariwa ang mga pagkain, kung nagkataong dito niya ninamnam (ninamnam daw! Hahaha!) ang kanyang kahirapan, well, baka mukha na siyang 100 years old ngayon. Hahaha!

Huwag na nating ikumpara ang kabuhayan ni Baluga sa Star for All Seasons dahil ang layo na talaga ng narating ng huli. Ugali na lang ang pag-usapan natin.

Hanggang ngayon, lagi pa ring nakabusangot at nakasimangot ang Bicolanang aktres. Hitsurang laging inuutangan. Pinipili ang mga taong kakausapin niya. Saka lang niya papansinin ang isang fan kapag halos nagkakandarapa ito sa paghanga at paglapit sa kanya, ‘yun bang parang nakakita ng aparisyon-d’yan buhay ang kanyang dugo. Natutuwa siya riyan. Ramdam na ramdan niya ang pagiging isang Superstar.

Kay Vilma, wala ‘yang ganyang ilusyon. Lahat ay welcome. Kesehodang amoy lupa ka, panget ka, pulubi ka, papansinin ka niya. At nagiging mahaba-haba ang usapan kapag tumatawa na siya, na minsa’y pabungisngis o pahalakhak. Hahaha!

Nagiging magaan ang usapan dahil masayang kausap ang gobernadora ng Batangas. Hindi siya nangmamata ng kapwa.

Si Ate Guy naman kasi, libre na nga lang ang pagtawa, gusto pa yata’y bigyan muna siya ng talent fee bago niya gawin ito.

Giatay!

***

Goodbye Papa Dingdong: Uge kay Zanjoe na naglalaway

VERY vocal si Eugene Domingo sa mga past interviews niya na kesyo gusto niya ulit makasama sa isang pelikula si Dingdong Dantes dahil bilib siya sa pag-arte nito at lalo na kaguwapuhan nito. Hindi rin daw niya makalimutan ang eksenang naghalikan sila sa pool ng binata sa pelikulang “Kimmy Dora.”

Bagama’t kasama ni Eugene sa nasabing pelikula ang guwapo ring si Zanjoe Marudo, hindi niya ito halos mapansin noon dahil nakasentro ang kanyang pagnanasa sa boyfriend ni Marian Rivera. Hahaha!

Subalit ngayong wala si Dingdong at tanging si Zanjoe na lamang ang kasama niya sa panibagong proyektong ito ng Star Cinema at OctoArts Films, ang “Wedding Tayo, Wedding Hindi” na showing na sa paborito ninyong mga sinehan, biglang nagbago ang kanyang taste. Mukhang ayaw na niya sa mestiso at maputing lalaki. Gusto niya ngayon ay ang katulad ni Zanjoe na moreno at punong-puno ng sex appeal.

Of course, mas magandang lalaki pa rin daw para sa kanya si Papa Dingdong, pero kung sa lakas ng dating ay mas matindi raw ang arrive nitong si Papa Zanjoe. Nakalalaglag panty daw ang binata. Hehehe!

Anyway, panoorin ninyo ang Wedding Tayo, Wedding Hindi dahil paniguradong mage-enjoy kayo sa panonood. Ito ay sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes.

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply