Ate Vi fulfilled, proud sa achievements ng kanyang mga anak

BATANGAS Governor Vilma Santos-Recto revealed na isang malaking desisyon pala sa kanila ng anak na si Luis Manzano kung ito’y papasok sa pulitika. Dahil noong lisanin ni Ate Vi( tawag ng mga kaibigan sa aktres-pulitiko) ang pagka-mayor ng Lipa at tumakbo para sa pagiging gobernador, ang mga Lipenos din pala ang humihiling na pa- takbuhin sa nasabing posisyon ang anak nitong si Luis.

“Matagal na siyang hinihilingan, dalawang nakaraang eleksiyon na hinihiling na si Lucky ay tumakbo, and that was after my term,” kumpirma ni Ate Vi.

Sabi daw ng kanilang ka-lungsod, “Baka puwede naman si Lucky? Sabi ko, huwag naman kasi he’s (Luis) too young at ini-enjoy pa niya ang showbiz life niya? Isa pa, huwag nating pilitin ‘pag hindi pag hindi pa dapat,” katuwiran ni Ate Vi. “Kasi, hindi magiging successful (‘pag pilit). But the way things are going at nitong huli kong tanong sa kaniya kanina (sa Alay Laka. ‘Anak, anong tingin mo dito(sa pagpasok sa politics), sa tingin mo, kaya mo kaya ito?” ani Vi.

Ang sagot daw ni Luis sa kaniya, “Tingnan natin.” O, di ba? May plano na rin si Luis, huh!

Hindi maipagkakailang si Ate Vi ay proud mother kay Lucky. Dahil napatunayan ni Luis ang pagiging isang bigtime host sa “Pilipinas Got Talent,” sa “E-Live” dati at sa PBB, na parating na.

“I am, I am!” pagmamalaki pa ni Ate Vi sa anak. “Alam mo, yon na lang ang bayad ko sa buhay na meron ako ngayon. Kahit na anong pagod ko, pag-uwi ko sa bahay, alam mo ring proud sa ‘yo ang anak mo, ang pamilya mo..” pagtatapos pa ng butihing gobernadora ng Batangas.

—@@@—

TURNING 30 na si Direk Paul Soriano this October, at gaya ng kaniyang sinabi, in his 30’s siya lalagay sa tahimik. It could be Toni Gonzaga, the “love-of-his-life” ngayon o sinumang mapalad na dilag. Pero sa totoo lang, perfect match sila Paul at Toni dahil we see in both na pareho silang one-man-woman, or vice-versa. Ideal couple ‘ika nga.

Sa nakaraang preskon ng “Thelma,” Direk Paul revealed to us na lalagay siya sa tahimik ‘kapag nakapagpagawa na siya ng sariling bahay.

Aniya, nakapag-ipon naman siya in his almost a decade of directing commercials at kayang-kaya na nitong magpatayo ng isang mansion sa isang subdibisyong nais nitong tirhan for the rest of their lives.

Basta’t ang masasabi namin, Lucky for both of them.

Nakatakdang umalis papuntang Hawaii si Direk Paul this October para sa Hawaii Film Festival kung saan ay ang dinirek nitong Thelma ay isa sa mga inaprubahang kasali sa taunang filmfest.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply