Ateneo pasok na sa finals; FEU humirit pa

NAKAPUWERSA ng do-or-die match ang last year’s runner up Far Eastern U Tamaraws habang pasok na ang defending three-time champion Ateneo Blue Eagles sa best-of-three finals matapos manaig sa kanilang katunggali sa Final Four match sa 74th UAAP men’s basketball tournament sa Big Dome kahapon, Setyembre 18.

Sumuwag ng 19 points si Terrence Romeo, ang nakaraang taong Rookie of the Year, at si 2010 MVP RR Garcia ng 16 puntos upang ilagay ang Tamaraws sa 59-49 panalo laban sa No. 2 seed Adamson U Falcons.

Angat ng FEU sa Adamson, 29-23 sa half time at sa third canto ay ipinakita ng Tamaraws ang lakas sa panunuwag kaya naman umalagwa ang kanilang lamang sa 20 puntos, (52-32) papasok ng fourth period.

Sa Linggo ang sudden death game ng FEU at Adamson.

Pagkakataon naman ng Blue Eagles na maisakatuparan ang minimithing pang-apat na sunod na titulo matapos nilang dakmain ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 69-66.

Dinaan ni center Greg Slaughter sa tangkad upang kumamada ng 17 puntos at ipasok ang Blue Eagles sa ika-apat na sunod na championship stint.

Nahirapan muna ang Blue Eagles bago makuha ang ticket sa Finals ng makipagsabayan ng bilis ang Tigers mula sa umpisa hanggang sa matapos ang laro.

Tabla ang score sa pagtatapos ng first canto, (18-18) subalit iniwan ng Eagles ang Tigers ng magsimula ng gumanda ang depensa ng una sa dalawang sumunod na quarters.

Nalimitahan ng Eagles ang opensa ni Tigers center Karim Abdul na tumikada lamang ng dalawang puntos sa third period. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply