Atty. Persida Acosta hanggang honorarium lang sa paghu-host ng ‘Public Atorni’

HANGGANG honorarium lang ang tinatanggap ni Atty. Persida Acosta at walang talent fee sa paghu-host ng “Public Atorni” show niya sa TV5 na mapapanood tuwing Huwebes ng gabi, 11:30 p.m.

Nang makausap namin si Atty. Acosta, nasabi niyang hindi puwedeng tumanggap ng anomang sweldo ang isang government official sa ibang institusyon. Hanggang honorarium lang sila. Si Atty Acosta ang head ngayon ng Public Attorney’s Office ng Department of Justice.

Kahit noon bago siya naging host ng programang Public Atorni at napapanood sa “Face to Face” na programa ni Amy Perez, na ngayon ay may bagong timeslot na tuwing hapon, bilang isa sa tagapayo ng programa, hindi siya nagpapabayad.

Ani Atty. Acosta: “Hanggang honorarium lang ako at libreng damit na ibinibihis sa akin sa mga programa ko. Ganyan kaming naglilingkod sa gobyerno. Bawal tumanggap ng suweldo sa ibang institusyon. “Enjoy si Atty. Acosta sa paglilingkod sa tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo o resolba ng kaso na hindi tatagal pa sa mahabang court hearings. Sa pagkakaroon niya ng programa sa telebisyon, mas lalong nagiging aware ang tao sa batas ng Pilipinas na puwede pala para sa lahat ng tao, walang kinikilingan kahit sino.

Sa pagiging popular ng Public Atorni show at ng host na si Atty. Acosta, hindi sinabi ng lady host na hindi siya nagsasalita nang tapos na hindi siya lalahok sa pulitika. Ani Atty. Acosta: “Wala pa akong nakikitang sign mula sa Itaas na ako’y kakandidato. Kaya sa ngayon ay wala akong kaplano-plano pa. Relihiyosa ako at lahat nang aking desisyon ay hinihingi ko ng kasagutan sa Itaas.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply