Augmentation personnel ng pamahalaan tutulak pa-Syria

NAKATAKDA nang bumiyahe sa Martes, Setyembre 6 patungong Syria ang augmentation personnel ng pamahalaan upang tumulong sa Embahada ng Pilipinas sa isasagawang pagpapauwi sa Overseas Filipino Workers (OFW) sa patuloy na kaguluhan sa naturang bansa.

Nabatid Foreign Affairs Spokesperson Raul Hernandez, sampung miyembro na nagmula sa Rapid Response Team mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang nakatakdang bumiyahe upang tumulong sa Embahada ng Pilipinas sa Syria sa pagsasagawa ng repatriation.

Nauna nang inihayag ng DFA na handang ibigay ng gobyerno ang mga kakailanganing tulong ng OFWs na magdedesiyong umuwi sa Pilipinas.

Ayon pa kay Hernandez, mahigit sa 500 OFW ang nagpapahiwatig na gustong umuwi ng Pilipinas at gustong makapiling na ang kanilang mga  mahal sa buhay.

Idinagdag pa ni Hernandez na patuloy pa rin nilang hinihikayat ang mga OFWs na nagtratrabaho sa nasabing bansa na umuwi na upang makaiwas sa kaguluhan.

Anumang araw at oras ay nananatili pa rin activated ang DFA hotline na 834-46-17 hanggang 24, mula alas-8 ng umaga hanggang gabi para sa mga pamilya ng mga OFW na nasa Syria.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply