Away nina Angara, Palafox tumitindi

LUMALALIM ang alitan sa pagitan nina Senador Edgardo Angara at ng kilalang arkitekto na si Felino Palafox Jr., matapos buweltahan ng senador ng kasong libelo ang isinampang kasong graft laban sa kanya sa Ombudsman ng arkitekto.

Isinampa ng senador ang libel suit sa Pasay Regional Trial Court kung saan iginiit nito na dapat mabigyan ng leksiyon at matigil na ang paninira ni Palafox laban sa kanya para lamang makamit ang personal na interes nito.

Humihingi ng P61-milyon danyos si Angara sa arkitekto kung saan P40 milyon dito ay para sa moral damages, P15 milyon sa exemplary damages, minimum ng P6 milyon ay para sa magiging gastusin sa kaso.

Sa kanyang asunto, isinama ng senador ang sulat na sinasabing galing sa Coalition Against Corruption (CAC) para kay Pangulong Benigno Aquino III na minarkahan pa bilang “private and confidential.”

Pero ayon kay Angara ang sulat ay galing lamang kay Palafox.

Nakasaad sa sulat na hiniling ni Angara kay dating Tourism Secretary Alberto Lim na gawing talunan sa bidding ang kompanya ni Palafox na Tourism Master Plan of the Philippines kung saan binantaan pa umano ng senador ang kalihim na iipitin ang kanyang kumpirmasyon sa Commission on Appointments (CA) sakaling pagbigyan ang arkitekto.

Nakasulat rin ang umano’y pagkuha ng kickbacks ni Angara sa kontrata at investors sa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO).

Mariing iginiit ni Angara na puro paninira lang ang ginawa ni Palafox.

“The letter has the stink of Palafox’s ruse all over it,” ani Angara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply