Ayaw na raw sa Dos pero nang magbalik-Pinas: Nora sa ABS-CBN muna nakipag-usap bago sa TV5

MAGALING talagang artista si Nora Aunor, huh! Consistent ang kanyang acting. Aba’y animo’y naapi siya nang magtrabaho siya sa ABS-CBN noong 2002 kung saan ginawa niya ang “Star Drama Theater Presents” at ang “Bituin.”

“Ayoko talaga sa kanila.

“Nauna pa ako, e, sa set, wala silang problema sa akin.

“No’ng natapos na ‘yong ilang weeks biglang wala na. Ngayon, mabuti na lang do’n sa kontrata, nakalagay na kapag sila nagkamali, obligado silang bayaran pa rin ako kung ano ‘yong dapat ibabayad sa akin. One hundred percent no’ng dapat total na ibabayad sa akin pag hindi ako ang may kamalian, babayaran ako.” Sabi ni Nora sa isang interview sa isang babasahin.

Tama naman ‘yung mga sinabi ni La Aunor. Iyon nga lamang, mas ginusto na lang ng Dos na bayaran siya ng buo kesa tapusin nito ang trabaho sa kanila at makalbo pa sila sa sobrang konsumisyon.

Maliban daw kasi sa parating late si Baluga pag umapir sa taping, wala pa raw itong ganang magtrabaho at animo’y nakatira raw ng katol kung kumilos sa set.

Sa kabila ng mga kaokrayan ni Nora, binigyan pa siya ng Kapamilya network ng isa pang pagkakataon dahil maliban sa weekly drama anthology ay ipinagkatiwala pa rin sa kanya ang isang primetime musical drama series, ganun din ang nangyari, sakit ng ulo din ang ibinigay niya.

Ano pa nga ba ang gagawin ng istasyon kundi pakawalan na lang siya. Wala naman siyang ganang magtrabaho na, dahil nu’ng mga panahong daw palang iyon ay palagi na siyang inuumaga sa pagsusugal.

Kaya kung sinasabi niya ngayon na ayaw na kuno niya sa ABS, eh, ipinasisigawan naman ng Channel 2 na ayaw din nila sa’yo!

Anyway, may pinaalala si Ms. Linggit Tan kay Nora, baka nakalilimutan na nito.

“Prior to her much-talked about return to Philippines, certain quarters representing her were talking to ABS.

They came to us!

In all fairness to the network, we never entertained any of those offers. It’s to our detriment naman to say hindi siya interesado sa amin.

We didn’t respond to those feelers.

It’s not her option to choose us.

But we wish her well,” pahayag ni Ms. Linggit Tan,

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply