Ayos lang kahit masibak — Gilas coach

TATANGGAPIN ni Smart Gilas-Pilipinas coach Rajko Toroman anuman ang kahihinatnan ng kanyang kapalaran bilang coach ng national squad.

Lumulutang kasi na sisipain na si Toroman sa grupo matapos malagay ang Nationals sa fourth sa ginanap na FIBA-Asia Championship For Men.

Iyon din ang dahilan kaya nakuha ng bansa ang tansong medalya sa event.

Habang isinusulat ito, wala pa ring desisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung pananatilihin o hindi si Toroman sa Gilas.

Sinasabing tatanggalin si Toroman at ipapalit naman si Talk ‘N Text coach Chot Reyes.

Subalit ayon kay Toroman, wala siyang pakialam sa ulat na ito dahil nakikipag-usap pa lamang sa kanya si SBP head Manny V. Pangilinan.

“I am not bothered. I have no comment on that subject,” pahayag niya. “I’ll have a meeting with MVP and then we’ll make a decision.”

Ang tatlong taong kontrata ni Toroman sa Gilas ay nagtapos na kahapon, September 30.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply