Ayuda sa mga tagalikha ng mga pagkain

ANG mga tagalikha ng pagkain ang dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

Ito’y sa panahon man ng tag-ulan o tag-araw.

Sapagkat naiiba na ang panahon ngayon na sumisira sa pamumuhunan at pagpapagod ng mga ito magkaroon lamang ang buong bansa ng makakain at mauulam.

oOo

Sa tag-araw, grabe nang kasiraan ang idinudulot ng El Niño at matinding init ng araw.

Nagkakandalugi-lugi ang mga magsasaka sa pagkatuyot ng mga lupain at nasasayang ang kanilang mga gastos sa mahal na langis para sa kanilang pa-tubig at iba pa.

Ang mga mangingisda naman, lalo na ang mga nag-aalaga sa pamamagitan ng mga fishpond, fishcage at fishpen, ay tinatamaan ng mga fishkill at hindi mabentang produkto nila dahil sa lasang burak ang mga isda.

Sa tag-ulan naman, sinisira ng matitinding mga pagbaha mula sa mga bagyo, siyam-siyam na ulan at pagpapakawala ng mga dam ang mga pananim at alagang hayop at isda.

Binubulok ng tubig ang mga pananim samantalang nakakawala o nagkakan-dapeste-peste ang mga alagang hayop.

Pagkalugi pa rin ang hinahantungan ng mga tagapakain ni Juan.

oOo
Ngayong tag-ulan, sinasabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na may walo pang bagyo ang inaasahang tatama sa bansa.

Nangangahulugan ito ng grabeng kasiraan sa hanay ng mga tagalikha ng pagkain.

Magpapatuloy ang kasaysayan ng kamalasan na nararanasan ng mga ito sa mabagsik na bagyong Mina.

Paano ba tumutugon ang pamahalaang PNoy sa pangangailangan ng mga ito?

Nasaan ang mga binhi, puhunan at iba pang ayuda para sa mga ito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply