B-Meg nasungkit si Barroca

NAGKAROON ng three-way trade deal ang B-Meg, Barako Bull at Shopinas upang mapunuan ang kakulangan ng kanilang-kanilang koponan.

Para mapalakas ng Llamados ang kanilang backcourt ay kinuha nila si Mark Barroca habang sinama ng Energy si Don Allado upang lumakas naman ang kanilang frontcourt.

Napunta naman si Elmer Espiritu sa Clickers para madagdagan ang kanilang wing men kasama ang rookie center na si Bryan Ilad kapalit si Barroca at future draft pick.

Pasok na pasok si Barroca, naglaro sa Smart Gilas Team Pilipinas sa Llamados dahil kulang na kulang sila sa backcourt at magdadala ng bola para tumawag ng plays.

Bibitawan ng B-Meg si Allado habang muling makakasama ng Lalamdos sina Rico Maierhofer, Rafi Reavis at Kerby Raymundo.

Naniniwala ang tatlong teams na pantay-pantay ang deal na naganap sa kanila at hinihintay na lamang ang approval ng league commissioner na si Chito Salud.

May sariling trade deal naman ang Meralco, Talk N’ Text at Powerade.

Kinuha ng Bolts si Mark Macapagal, Chico Lanete at Mark Yee para bitawan sina Ogie Menor na napunta sa Powerade at Shawn Weinstein at Bam Gamalinda na ibinato sa Talk N’ Text.

Binitawan ng Meralco sina Marlou Aquino at RenRen Ritualo kung saan ay maaari silang mapunta sa Shopinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply