Bading na baon sa utang nagpatiwakal

PAGPAPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagbibigti ang naisip na solusyon ng 32-anyos na bading upang matakasan ang patung-patong na pagkakautang sa kanyang mga kapitbahay sa Las Pinas City.

Lawit na ang dila nang matagpuan si Allan Bajado, 32, ng kanyang pinsan na si Jay R Esro, 24, construction worker, habang nakabitin sa loob ng tinutuluyang bahay sa San Juan Coastal, Pulang Lupa 1 dakong 11 ng gabi gamit ang isang lubid na pinulupot sa kanyang leeg.

Sa pahayag ni Esro kina SPO1 Ernesto Bautista at PO2 Bobbe Imbo ng Investigation and Detective Management Division ng Las Piñas Police, nahaharap umano sa malaking problema sa pananalapi ang kanyang pinsan at wala nang matakbuhan na mauutangan kaya pinili na lang na magpakamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply