Badyet ng Comelec sa OAV tatapyasan

NAGBABALA si Sen. Franklin Drilon na babawasan ang pondo ng Commission on Elections (Comelec) kapag hindi nagsagawa ng pamamaraan upang maitaas ang bilang ng overseas Filipino worker na lumalahok sa absentee voting.

Ayon kay Drilon, hindi maibabalik, kundi man tapyasan ng halagang P51.534 milyon ang pondo ng ahensiya sa overseas absentee voting (OAV) kundi makagagawa ng paraan ang Comelec na mapahusay ang sistema sa naturang programa.

“Overseas voting is an important component of our democratic system in that it allows overseas Filipinos to participate in a political process, except that there has not been much response from overseas Filipinos,” ayon kay Drilon, chairman ng Senate finance committee.

Hinihingi ng Comelec sa pamumuno ni Chairman Sixto Brillantes ang naturang badyet na inilipat ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang pondohan ang OAV.

“The Comelec is asking for a reinstatement of the P51.534 million budget for OAV,” ayon kay Drilon.

Ngunit, sinabi ni Drilon na kundi magagawan ng paraan ng poll body na itama ang sitwasyon, hindi ibabalik ang naturang pondo na siyang malaking kabawasan sa badyet ng ahensiya.

Inatasan ni Drilon ang opisyal ng poll body na magsumite ng kaukulang panukala kung paano maitataas ang voter turnout ng overseas Filipino worker.

Ayon kay Drilon, umabot lamang sa 153,323 ang bilang ng OFW na bomoto noong nakaraang 2010 general elections na kumakatawan lamang sa 26 na porsiyento ng 589,830 rehistradong botante.  Umabot naman sa 224,884 ang bilang ng mga Pinoy na naidagdag sa bagong rehistrado at naglaan ang pamahalaan ng P188 milyon sa 2010 elections.

“This is only equivalent to one congressional district. The cost per voter is P1,227.62,” ayon kay Drilon.

Isa sa pangunahing salik kung bakit mababa ang bomoto sa abroad ang palipat-lipat ng tahanan o trabaho ang mga Pinoy sa abroad na siyang iniulat ni Comelec Commissioner Armando Velasco sa pagdinig ng Senado.

Hindi rin makaboto ang ating kababayan sa abroad dahil ipinagbabawal sa ibang bansa ang partisipasyon nila sa anumang aktibidad pulitikal na siyang lubhang nakakaapekto sa sistema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply