Badyet ng PPP bawasan, idagdag sa SUCs – solon

IGINIIT ng lider ng oposisyon sa Kamara de Representantes na tapyasin ang malaking pondo ng Public-Private Partnership (PPP) para sa taong 2012, na halos lumobo sa 76.8 porsiyento kumpara sa pondo nito sa taong kasalukuyan upang ipampuno sa maliit na pondo para sa imprastruktura at sa state universities and colleges (SUCs).

Ito ang inihayag ni Minority Leader at Albay Rep. Edcel C. Lagman sa komiteng naatasan na amyendahan ang 2012 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Lagman, ang P22.1 bilyon sa 2012 bilang government counterpart funds para sa PPP projects ay masyadong malaki kung ikokonsidera ang hindi nagamit na balanse nito na umaabot ng P12.4 bilyon sa pondo nito sa taong kasalukuyan.

Sinabi ng mambabatas na maaaring gamitin pa ang nasabing halaga sa susunod na taon.

Dahil aniya sa mapusyaw na implementasyon ng PPP projects nitong nakaraang 15 buwan na walang naipatupad na proyekto, ang inilaang badyet na umaabot sa P12.4 bilyon para sa Department of Transportation and Communications (DOTC), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Agriculture (DA) ay hindi pa nagagamit.

Buo pa rin aniya ang 2011 outlay para sa DOTC, na aabot sa P5 bilyon, ang DPWH ay gumastos lamang ng P72 milyon para sa road right-of-way mula sa kabuuang pondo nito na P5 bilyon at tanging P2.5 milyon lamang naman ang nagamit ng DA mula sa alokasyon nitong P2.5 bilyon.

Ang kabuuan umano ng mga hindi nagamit na pondo ng DOTC, DPWH at DA ay maaaring magamit sa susunod na taon.

Kung tutuusin ayon kay Lagman ang PPP budget para sa 2012 na P22.1-bilyon kahit hindii na ito dagdagan pa ay magiging epektibo pa rin dahil sa P12.425-bilyon na hindi pa nagamit na pondo nito.

Maaari rin, ayon kay Lagman, na ang sobrang pondo ay ipangdagdag na lamang sa pondo para sa imprastruktura at SUCs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply