Bag na hinihinalang may bomba sinadyang pasabugin sa Camp Crame

SINADYANG pasabugin ng mga kinauukulan ang isang maletang hinihinalang may bomba Huwebes ng umaga (Setyembre 15) sa Camp Crame sa Quezon City.

Sa ulat, ang itim na maleta ay natagpuan sa gate 2 o Santolan gate ng Camp Crame na hinihinalang inabandona at may lamang bomba.

Ayon sa Camp Crame, ang pagpapasabog sa naturang maleta ang pinaka-ligtas na gawin upang matiyak kung ito nga ay may bomba.

Kaugnay nito, ikinagulat ng mga trabahador ng bisinidad at mga tao ang naganap na pagsabog dahil hindi naman nagbigay ng abiso ang mga kinauukulan na may pasasabugin sila.

Kinumpirma naman ng bomb experts ng Camp Crame na damit lamang ang laman ng naturang bag.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply