Bago lumipad pa-Japan, ARMM OIC itatalaga na ni PNoy

TARGET ni Pangulong Benigno Aquino III na ipahayag ang magiging OIC ng Autonomous Region in Muslim MIndanao (ARMM) bago tumulak patungong Estados Unidos at Japan.

Sa ulat, nakatakdang tumulak patungong Estados Unidos si Pangulong Aquino sa Setyembre 19 hanggang 22, habang sa Setyembre 25 naman ang kanyang nakatakdang pagpunta sa Japan.

Nabatid na pupulungin muna ni PNoy ang search committee bago ihayag ang napiling kumatawan bilang OIC ng ARMM dahil nais niya makilala nang lubusan ang mga ito.

“We want to give everybody a fair hearing. But, I want that done as soon as possible,” anito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply